Diesel may higit P5/L taas-presyo sa Marso 8 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Diesel may higit P5/L taas-presyo sa Marso 8

Diesel may higit P5/L taas-presyo sa Marso 8

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 07, 2022 07:18 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng malakihang sirit sa presyo ng petrolyo sa Martes, Marso 8.

Ito na ang ika-10 sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.

Ayon sa mga kompanya ng langis, narito ang ipatutupad nilang price adjustments:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL +P5.85/L
GASOLINA +P3.60/L
KEROSENE +P4.10/L

ADVERTISEMENT

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P5.85/L
GASOLINA +P3.60/L
KEROSENE +P4.10/L

Jetti Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL MASTER +P5.85/L
ACCELERATE +P3.60/L
JX PREMIUM +P3.60/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P5.85/L
GASOLINA +P3.60/L

Cleanfuel (Alas-4 ng hapon)
DIESEL +P5.85/L
GASOLINA +P3.60/L

Kasama ang dagdag sa Martes, maglalaro na sa P66 hanggang P85 ang litro ng gasolina habang P58 hanggang P73 naman sa diesel.

Hahayaan na lang umano ng Department of Energy na isang bagsak ang big-time oil price hike dahil sa giyera sa Ukraine.

Baka umano kasi may increase ulit sa susunod na linggo at lalo lang lumobo ang dagdag-presyong tatama sa mga motorista.

Nagpasya naman ang Unioil na hatiin ang kanilang dagdag-presyo.

Sa Marso 8, P3.85 muna ang itataas ng kada litro ng kanilang diesel at P2 sa gasolina. Ang matitirang dagdag ay sa Marso 11 na ipatutupad.

Sa ilalim ng batas, walang kontrol ang gobyerno sa presyo ng petrolyo.

Kaya payo ni Energy Undersecretary Gerardo Eguiza sa mga motorista: "'Yong mga unnecessary travel, kung puwede, huwag na munang magbiyahe, 'yong mga essential na lang, emergency."

Muling inihirit ng grupong Laban Konsyumer na suspendihin muna ang value-added tax at excise tax sa petrolyo.

Parehong hirit rin ang binigay ng mga grupong nagprotesta ngayong Lunes sa Kamara.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na mamimigay ito ng ayudang fuel cards sa mga PUV driver, delivery rider at sa sektor ng agrikultura.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.