DOE iimbestigahan ang mga gasolinahang sobra-sobra ang singil | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOE iimbestigahan ang mga gasolinahang sobra-sobra ang singil

DOE iimbestigahan ang mga gasolinahang sobra-sobra ang singil

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa halip na magmotorsiklo, nagbibisikleta na lang papasok ng trabaho si Jomar Mendoza dahil sa sobrang mahal ng gasolina.

Bukod sa nakakatipid na, nakakapag-ehersisyo pa umano siya.

"Dadagdag sa gastusin ang paglaki ng [presyo ng] gasolina. Imbes na ipambili ko ng pagkain, dagdag sa pang-araw-araw, napupunta pa sa gas," sabi ni Mendoza.

Sa Metro Manila, naglalaro sa P60 hanggang P83 ang kada litro ng gasolina habang P52 hanggang P65 naman sa diesel.

ADVERTISEMENT

Pero sa ibang probinsiya'y malapit nang maging P100 ang litro ng gasolina at P80 naman sa diesel.

Sa Boracay, lagpas P97 ang presyo ng gasolina habang P80 naman sa diesel.

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang mga konsumer na i-report sa kanila ang mga mataas na presyo, na lagpas sa price range sa Metro Manila.

"We will not allow na may panloloko. If you think na mataas, anything na mataas, we will check. If it goes beyong the range, may presumption 'yan na dapat silang magpaliwanag," ani Energy Undersecretary Gerardo Erguiza.

Noong Martes, muling tumaas ang presyo ng petrolyo, ang ika-9 na sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.

Tiniyak ng DOE na may sapat na supply ng petrolyo kahit humaba ang giyera sa Ukraine dahil sa Middle East at Asia Pacific naman galing ang supply ng Pilipinas.

Pero hindi umano kayang pigilan ng gobyerno ang pagsirit ng presyo kaya isinusulong din ang pagtanggal ng excise tax ng ibang konsumer at militanteng grupo.

"It's what we think is right and it will benefit the Filipino, nagkataon lang na 'yon din ang gusto ng ibang grupo," ani Erguiza.

Ayon sa Malacañang, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P2.5 bilyon na ayudang fuel cards sa mga tsuper at delivery rider.

Pero ilang linggo na umanong sinasabing ire-release ang ayuda sa mga benepisyaryo.

"We call on Congress to to review the Oil Deregulation Law, particularly provisions on unbundling the price and the inclusion of the minimum inventory requirement in the law as well as giving the government intervention powers, authority to intervene when there is a spike or prolonged increase," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Inihirit naman ng grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) na ibalik muna sa P10 ang minimum na pasahe para makaagapay ang mga tsuper.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.