Taas-presyo sa petrolyo sasalubong sa unang araw ng Marso 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taas-presyo sa petrolyo sasalubong sa unang araw ng Marso 2022

Taas-presyo sa petrolyo sasalubong sa unang araw ng Marso 2022

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2022 08:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Sa ika-siyam na sunod na linggo, tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga kompanya ng langis, ipatutupad nila ang mga sumusunod na price adjustment sa Martes, Marso 1:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P0.80/L
KEROSENE +P0.75/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P0.80/L
KEROSENE +P0.75/L

ADVERTISEMENT

PetroGazz, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P0.80/L

Jetti Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL MASTER +P0.80/L
ACCELRATE, JX PREMIUM +P0.90/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P0.80/L

Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa ay epekto ng pagmahal nito sa pandaigdigang merkado, pero inaasahang tataas pa ito bunsod ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), sumampa na sa pinakamataas na lebel ang presyo ng petrolyo sa Metro Manila: P66 ang average na presyo ng gasolina, P55 sa diesel at P59 sa kerosene.

Pero may ilang gasolinahang halos nasa P80 na ang gasolina at P62 naman sa diesel.

Wala namang magawa ang DOE sa oil price hike.

"Ang atin, itinuloy lang natin ang ating mungkahi, request sa oil private sector na ituloy ang mga fuel discount promo at itinuloy naman nila," ani Director Rino Abad ng DOE.

Inihirit naman ng Bayan Muna ang pagkakaroon ng special session sa Kongreso para suspendehin muna ang excise tax.

Pero ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, isinasapinal na ng Development Budget Coordination Committee at Department of Finance ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte kaugnay sa isyu.

Bukod sa petrolyo, nakatakda ring tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas sa Martes, na tinatayang nasa P7 hanggang P8 kada kilo.

Nauna nang inihayag ng gobyerno na mamimigay ito ng ayudang fuel cards sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan at TNVS pati sa mga delivery rider. Pero hindi pa malinaw kung kailan ito mabibigay.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.