Presyo ng harina, gas posibleng tumaas dahil sa Ukraine crisis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng harina, gas posibleng tumaas dahil sa Ukraine crisis

Presyo ng harina, gas posibleng tumaas dahil sa Ukraine crisis

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Pinapangambahang lalo pang tumaas ang presyo ng harina at gasolina dahil sa krisis sa Ukraine at Russia, na makaaapekto umano sa kalakaran ng negosyo sa Pilipinas kahit malayo ito sa Europa.

Masusing binabantayan ng mga negosyante ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia dahil sa epekto nito sa pandaigdigang ekonomiya, kahit pa ng mga bansang malalayo sa Europa.

Ayon kay presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, magkakaroon ng supply chain disruption sakaling tuluyang pumutok ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Halimbawa anya, tumaas na ang presyo ng harina ngayon, at inaasahan pang sisipa ang presyo nito dahil malaking suplay ng harina ay nanggagaling sa Ukraine at iba pang bahagi ng Europa.

ADVERTISEMENT

Para sa kay Politcal Science and International Relations Professor Anna Malindog-Uy, inaasahan din ang lalo pang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa sunod-sunod na economic sanctions na ipinapataw sa Russia.

Sabi ng mga eksperto, magdo-domino effect sa iba pang produkto ang pagtaas ng presyo ng harina at langis.

"Even if we are several thousand miles away, we definitely are going to feel this tsunami of repercussions. Ukraine, Russia, they are the biggest importers of wheat. Now, there’s now a price hike for flour. When the price of flour goes up, food prices go up," sabi ni dating Sen. Nikki Coseteng.

Ayon naman kay Malindog-Uy: "Naglabas na ng sanctions ang US at saka ‘yung Britain…ang supply ng natural gas sa European countries, mauudlot…‘Pag nangyari iyan, ang impact diyan, magsi-shift to oil ang mga European states, ‘pag nagkataon, supply and demand iyan eh."

Ang ilang maliliit na negosyante, ngayon pa lang ay umaaray na pagtaas ng presyo ng harina.

“Hindi ko maalis sa isip ko. Nagko-complaint na sila about flour prices going up," ani Wilson Lee Flores na may-ari ng bakery.

"Sa experience namin, umabot ng P300 ‘yung itinaas niya. Dati P700, ngayon 1,000 na. Sobrang laki ng itinaas ngayon. Napakalaki po ng epekto, halos wala na kaming kinikita," ani Perla Miranda na may-ari ng pagawaan ng pita bread.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, nananatili pa ring problema ng mga negosyante ang isyu sa supply chain at kakulangan ng cargo vessel na nakaapekto sa importasyon at eksportasyon habang nagpapatuloy ang pandemya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.