LTFRB: Libreng sakay sa EDSA, posibleng maibalik sa Pebrero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LTFRB: Libreng sakay sa EDSA, posibleng maibalik sa Pebrero

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jan 12, 2023 06:47 PM PHT
|
Updated Jan 12, 2023 08:34 PM PHT

Hinihintay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maibaba sa kanila ang budget para sa pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Busway.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, target o posible itong maibalik sa Pebrero.

“Pagbaba po ng budget sa amin, pupulungin namin ulit ‘yong dalawang (bus) consortium and we will start again with the program ng libreng sakay. Hopefully po libre na naman ang sakay and we will stretch the fund para maabot po ‘yan ng July o August,” ayon kay Guadiz.

Naputol ang programa pagpasok ng bagong taon nang hindi aprubahan ng Department of Budget and Management ang P12-billion budget proposal ng Department of Transportation (DOTr) para sa programa.

Kabilang sa mga naapektuhan ang caretaker na si Vilmark Balajadia na bumibiyahe pa sa Tagaytay mula Monumento.

P70 ang pamasahe niya mula Monumento hanggang PITX kung saan sasakay naman siya pa-Cavite.

Kaya ngayon, kulang na ang P500 na transportation allowance niya na naipandadagdag pa niya sa mga bayarin noong nakaraang taon.

“Katulad kong maralita, pabor sa akin ‘yon. Sa pamasahe walang natitira. Laging nauubos,” ayon kay Balajadia.

Para sa pasaherong si Andy Francisco, mga manggagawa ang lubos na makikinabang kung maibalik ang naturang programa.

“Kung matutuloy ‘yong dati, napakalaking maitutulong kaysa magbigay ng ayuda sa mga walang ginagawa sa bahay. ‘Yong nagta-trabaho dapat tulungan. Napakalaki sa budget nila ang napupunta sa pamasahe. Kung ‘yon malilibre, napakalaking bagay ‘yon,” ayon kay Francisco.

Kinumpirma ng DBM na may nakalaan nang P1.285 billion na budget para sa Service Contracting program ng DOTr para sa taong 2023.

Kaya maitutuloy na rin ang "Libreng Sakay" sa ilalim ng DOTr at LTFRB .

“Malaking tulong po ang tipid-pasahe sa araw-araw na pamumuhay ng mga kababayan natin. Whatever amount they save daily, they can reallocate to equally or more important needs such as budget for food, electricity, tuition, among others,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Pero ayon sa DOTr, pinag-aaralan din kung saan itatalaga ang pondo lalo’t malaki ang ibinaba ng budget mula sa P8.4 billion noong 2022.

“Sec. Bautista gave instruction to provide several policy options on how to implement the limited budget by operators, drivers and most importantly commuters not only from EDSA but nationwide. In the meantime, DOTr instructed LTFRB to already process the reportorial documents needed to request the said budget from DBM,” ayon kay DOTr Usec. Mark Steven Pastor.

Bukod sa EDSA Busway, maaari ring gamitin ang pondo para palawigin ang libreng sakay sa mga UV Express at mga pampasaherong jeepney, ayon kay Pastor.

Mungkahi ng ilang pasahero tulad ni Sarah Lerio, dapat ay hindi lang limitado sa EDSA Busway ang programa.

“Mas maganda pati sa UV. Pabor sa amin ‘yon kasi magkano lang sinasahod namin. Mas makakatipid kami. Kagaya kami, Pateros kami. Jeep lang kami diyan,” ayon kay Lerio.