LTFRB, nagdagdag ng 42 rescue units sa EDSA Bus Carousel | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB, nagdagdag ng 42 rescue units sa EDSA Bus Carousel

LTFRB, nagdagdag ng 42 rescue units sa EDSA Bus Carousel

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 11, 2023 07:44 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Nagdagdag na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 42 rescue units sa EDSA Bus Carousel bilang tugon sa problema ng kakulangan sa mga bus.

Kung dati, limitado lang ang mga biyahe sa gabi, mas dumami na ngayon ang mga bus na bumibiyahe.

Base sa Board Resolution No. 191 ng LTFRB, mas mababa sa required number of units ang bumibiyahe sa EDSA Busway nitong mga nakalipas na araw.

Dahil dito, naging pahirapan ang pagsakay dito tuwing peak hours.

ADVERTISEMENT

Simula nitong Martes ng gabi, umarangkada na ang mga rescue bus na bibiyahe mula 6 p.m. hanggang 6 a.m.

Watch more News on iWantTFC

Pero nilinaw ng LTFRB "trial" lang muna ito sa ngayon at ipapatupad lamang hanggang sa susunod na Lunes, Enero 16.

Ramdam naman ng mga commuter ang pagdami ng mga bus at hindi na umano sila nahirapan na sumakay ngayong Miyerkules.

Panawagan lang nila, sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng mga karagdagang bus unit sa EDSA Carousel.

Humingi naman ng pang-unawa ang ilang bus driver sa mga pasahero lalo na sa mga umuuwi tuwing gabi.

"Kahit na madaming pasahero parang hindi ramdam kasi dumadami na yung units na mga rescue (units) po. Inaabot kasi ng siguro approximately 2 hanggang 3 oras. Kada akyat mo ng bus, mas mabilis na kasi sunod-sunod iyong mga bus na dine-deploy," ani Ivan Germino, isang commuter.

Sabi naman ng bus driver na si Raymundo de Leon: "Malaki ang tulong nitong rescue para sa mga pasahero po natin... Sana po sa mga pasahero natin katulad po ng panggabi po kami, eh sana maunawaan n'yo rin po kami. Kasi meron ding mga pasaheros po na maiinit ang ulo kaya kami nagpapasensya na lang."

Pagkatapos ng isang linggo, inaasahang pag-uusapang muli ng pamunuan ng LTFRB kasama ang mga operator ng mga rescue units kung paano isasapinal o aayusin pa ang bagong sistema.

—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.