MPBL: Mga koponan sa Visayas, Mindanao may interes pumasok sa liga | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MPBL: Mga koponan sa Visayas, Mindanao may interes pumasok sa liga

ABS-CBN News
Published Apr 10, 2018 08:48 PM PHT
|
Updated Jan 27, 2019 11:55 AM PHT

Matapos pumirma kamakailan ang 5 koponan mula sa Luzon at Metro Manila sa expansion program ng Maharlika Pilipinas Basketball League, tutungo naman sa Visayas at Mindanao ang mga opisyal ng liga para alamin ang mga lungsod na nais sumali sa liga.

Ayon kay Manny Pacquiao, ang nagtatag ng MPBL, interesado ang mga siyudad ng Victorias at Bacolod sa Negros Occidental at 3 pa sa Cebu kabilang ang Lapu-Lapu.

Maging ang kinalakihan ni Pacquiao na General Santos, gusto ring magpalista sa kompetisyon.

“Maraming gustong sumali at mayroon na ring nag-confirm. 'Yung Bacolod sa Visayas, tapos 3 cities sa Cebu, 'yung isa Lapu-Lapu, gusto talagang sumali. Kaya nga gagawin namin, magpupunta kami sa Cebu para kausapin sila,” ani Pacquiao.

ADVERTISEMENT
“Sa Mindanao, 'yung GenSan Warriors, parang Golden State Warriors, gusto rin sumali pati 'yung Davao Occidental, papasok."

Hindi pa nagtatapos ang kasalukuyang Anta Raja Cup ay sigurado nang lalaki ang lineup ng MPBL sa susunod na season matapos pumirma ang mga koponan sa Manila, Laguna, Pasig, Rizal at San Juan.

Ngunit mukhang di pa nagtatapos diyan ang mga nais sumali galing Luzon.

“Marami rin dito sa Manila gustong sumali, yung Makati and Bacoor, Cavite, sasali rin,” pahayag ni Pacquiao.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.