Pagbabalik ng Knights — San Juan, pasok bilang expansion team sa MPBL | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabalik ng Knights — San Juan, pasok bilang expansion team sa MPBL

Pagbabalik ng Knights — San Juan, pasok bilang expansion team sa MPBL

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 08, 2018 01:38 AM PHT

Clipboard

Pormal nang inaprubahan ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang pagpasok sa liga ng San Juan Knights bilang ika-13 miyembro nito.

Ayon sa mga opisyal na pinangungunahan ni commissioner Kenneth Duremdes, magpipirmahan ng kontrata ang koponan na pag mamay-ari ni dating senador Jinggoy Estrada at ang liga sa Muntinlupa Sports Complex ngayong Sabado habang ginaganap ang semifinals series sa Anta Rajah Cup.

Matatandaang itinanghal na kampeon ng Metropolitan Basketball Association noong 2000 ang Knights, na sasali ngayon bilang expansion teams kasama ang Pasig at Laguna sa MPBL.

Samantala, ipinahayag ni MPBL founder Manny Pacquiao na may cash prize bukod sa isang tropeo ang nakaabang sa magiging kampeon ng kasulukuyang torneo.

ADVERTISEMENT

“Maigsi lang ang liga natin ngayon, pilot conference pa lang. Ang trophy natin is 24 inches. 'Yung may bola sa taas parang katulad ng design sa NBA. 'Yung guhit ng bola 'yun ang gold. Kasi matagal gawin 'yung solid gold,” ani Pacquiao.

“This time, 'yung white gold muna, parang silver siya, tapos may gold siya sa bola. 'Yun ang trophy natin. May cash prize.”

Ayon kay Duremdes, may iuuwing P1 milyon ang kampeon habang P500,000 ang nakalaan sa runner-up.

Lamang ng 1-0 ngayon ang Batangas City Athletics-Tanduay at Parañaque Patriots-Gamboa Coffee sa kanilang best-of-3 semifinals series.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.