Pagkamatay ng bata, isinisi ng mga magulang sa Dengvaxia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkamatay ng bata, isinisi ng mga magulang sa Dengvaxia

Pagkamatay ng bata, isinisi ng mga magulang sa Dengvaxia

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 09, 2017 12:22 AM PHT

Clipboard

Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file photo

Sinisisi ng mga magulang ng nasawing bata sa Bataan ang Dengvaxia matapos mamatay ang kanilang anak sa dengue ilang buwan umano mula nang mabakunahan.

Abril noong isang taon nang magpabakuna kontra dengue ang anak ni Nelson de Guzman na si Christine Mae sa Sisiman Elementary School sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa magulang ni Christine Mae, malusog ang bata at hindi pa nagkakaroon ng dengue pero namatay ito matapos ang anim na buwan.

Nakalagay sa death certificate niya na disseminated intravascular coagulopathy o malalang pagdurugo sa loob ng katawan at "dengue severe" ang dalawang dahilan ng pagkamatay

Sinisisi ng magulang ni Christine Mae ang bakuna na napag-alamang maaaring may masamang epekto sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paniwala ng ama, buhay pa sana ang kaniyang anak kung hindi ito naturukan ng Dengvaxia.

Nauna naman nang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na babalikan nila ang lahat ng mga nagpakita ng adverse event pagkatapos mabakunahan.

Nakapagsagawa na rin aniya ng initial investigation ang DOH tungkol dito pero kailangan pang i-validate muli.

Ayon naman kay Senator JV Ejercito, chairman ng Senate Health Committee, dapat magkaroon ng isang task force o grupo na mag-iimbestiga tungkol sa Dengvaxia controversy.

Sa Cebu, iniimbestigahan na rin ng DOH Central Visayas ang sampung taong gulang na bata na nagkaroon din ng dengue matapos umanong magpabakuna ng Dengvaxia noong Agosto.

Sabi ng kaniyang magulang hindi pa rin nagkakaroon ng dengue ang bata bago nagpabakuna.

Stable na rin sa ngayon ang bata. -- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.