Batang 'nagkasakit' nang mabakunahan kontra dengue, babalikan ng DOH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batang 'nagkasakit' nang mabakunahan kontra dengue, babalikan ng DOH

Batang 'nagkasakit' nang mabakunahan kontra dengue, babalikan ng DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 07, 2017 01:52 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ikinakasa na ng Department of Health ang profiling at monitoring sa mga nabigyan ng Dengvaxia na sinasabing maaaring makasama para sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Pinabakunahan ng mag-asawang Lobos kontra dengue ang kanilang siyam na taong gulang na anak noong Agosto 18, 2017.

Ayon sa mag-asawa, malusog ang bata ng panahong iyon pero makalipas ang ilang oras, sumuka na ang bata.

“Mga anim na beses, sumuka siya tapos halos hindi na kami nakatulog dahil panay pahilot sa dibdib niya. Masakit ‘yung tiyan niya,” kuwento ni Yasir Lobos, ama ng bata.

ADVERTISEMENT

Nagpatuloy umano na sumama ang pakiramdam ng bata ng ilang araw at pabalik-balik din ang lagnat kaya dinala na nila sa ospital.

Matapos ang ilang araw, bumuti ang pakiramdam ng bata at base sa findings ay nagkaroon siya ng dengue.

Isa ang kasong ito sa mga babalikan ngayon ng DOH.

“Gagawa ng history-taking that will be focused on immunization… do a mandatory reporting of all hospitalized cases of vaccinees regardless of the symptoms,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Dagdag ng DOH, isang option ang pagbawi ng ibinayad na P3 bilyon kung napatunayan na may itinagong mahalagang impormasyon ang manufacturer.

ADVERTISEMENT

Kung matatandaan, ayon sa Sanofi Pasteur ay nasa grade 1 at 2 ang lagnat, sakit ng kasukasuan, pasa, at bleeding ang severe dengue na nakita nila sa pag-aaral.

Wala anila silang nakitang grade 4 o dengue shock.

Pero sagot ng DOH, wala naman silang binanggit na sintomas ng grade 4 ng severe dengue.

Dagdag pa ni Duque, ang mga batang inoobserbahan ng Sanofi ay nasa controlled environment pero paano aniya ang mga batang nasa malalayong lugar.

WHO, nilinaw na di inirekomenda ang 'Dengvaxia'

Sa pahayag naman ng World Health Organization (WHO), sinabi nilang sinusuportahan nila ang DOH sa desisyong itigil muna ang pagbabakuna.

ADVERTISEMENT

Nilinaw din ng WHO na ang lumabas na ang position paper nila noong panahon na iyon ay hindi nagsasaad ng rekomendasyon sa mga bansa na isulong ang bakuna sa kanilang national immunization programs.

Bagkus ay nagbigay sila ng mga puwedeng isaalang-alang kung isasagawa ang pagbabakuna o hindi.

Ayon pa sa position paper ng WHO, nasunod naman ng Pilipinas ang mga kundisyon pero nauna na ang pagbabakuna bago pa lumabas ang kanilang abiso.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.