'Impeachment' laban kay Bautista, tinuldukan na sa Kamara | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Impeachment' laban kay Bautista, tinuldukan na sa Kamara

ABS-CBN News
Published Oct 24, 2017 02:07 PM PHT

Hindi na itinuloy ng Kamara ang nakatakdang pagbalangkas sa articles of impeachment laban kay dating Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista.

Ito'y matapos abisuhan ng Malacañang si Bautista noong Lunes na "effective immediately" o kagyat na epektibo ang pagbibitiw niya mula sa Comelec.

Sa kabila nito, maaari pa ring kasuhan umano si Bautista sa Ombudsman, lalo na kung nanaisin ng kaniyang misis na si Patricia, na nagpahayag ng mga paratang na may tinatagong P1-bilyon ang dating pinuno ng Comelec.

Oktubre 11 nang magpasa ng resignation letter si Bautista kasunod ng kinaharap na kontrobersiya dahil sa mga bintang ng asawa.

Noong araw ring iyon, sa botong 137-75, nagdesisyon ang mga mambabatas sa mababang kapulungan na baliktarin ang naunang pasya ng House justice committee na ibasura ang impeachment complaint laban kay Bautista.

Samantala, itinalaga nitong Martes si Commissioner Christian Robert Lim bilang acting chairman ng Comelec.

Commissioner Christian Robert Lim designated acting Chairman, by unanimous vote of Commissioners present at today's @COMELEC en banc.
— James Jimenez (@jabjimenez) October 24, 2017

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng komisyon, nagkaisa ang en banc na hirangin si Lim bilang pansamantalang pinuno.

Si Lim umano ang pinakamatanda sa kasalukuyang hanay ng mga commissioner.

Wala pa rin kasing itinatalaga ang Palasyo bilang bagong Comelec chairman.

Naging matunog ang pangalan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo pero una nang itinanggi nito na interesado siyang pamunuan ang Comelec.

-- May ulat nina Dexter Ganibe at Raya Capulong, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
politika
Andres Bautista
Reynaldo Umali
Commission on Elections
Comelec
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT