Mga pulis na dawit sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, sinibak sa puwesto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis na dawit sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, sinibak sa puwesto

ABS-CBN News
Published Sep 04, 2017 11:56 PM PHT

Sinibak na sa puwesto ang station commander at dalawang pulis-Caloocan na idinadawit sa pagkamatay ng dating U.P. Diliman student na si Carl Angelo Arnaiz.

Si Arnaiz ang 19 anyos na lalaking nasawi matapos umanong makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis na rumesponde matapos holdapin umano ng binata ng isang taxi driver.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, pina-relieve na niya at dinisarmahan ang mga pulis-Caloocan na sina Police Officer 1 Jeffrey Perez, Police Officer 1 Ricky Arquilita, at ang station commander na si Police Chief Inspector Fortunato Ecle.

"Kahapon po [Setyembre 3], pina-relieve muna natin dun sa Caloocan at dinala po sa Regional Headquarters Service Group at under restrictive custody po sila," paliwanag ni Albayalde.

"Hindi po sila puwedeng lumabas dun sa opisina o dun sa loob ng kampo. Ang pinaka-maximum pong puwede siguro nilang ikutan ay 'yung mga Camp Bagong Diwa," dagdag ni Albayalde.

Samantala, ipinag-utos na rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Lunes, Setyembre 4, ang pagsasagawa ng "parallel investigation" sa National Bureau of Investigation matapos matuklasan ng Public Attorney's Office (PAO) na pinahirapan bago pinatay ang binata.

Bersiyon ng pulis
Batay sa report ng Caloocan police, sumakay ng taxi sa Navotas si Arnaiz nitong Agosto 18 para magpahatid sa 5th Avenue sa Caloocan.

Nagdeklara umano ng holdap si Arnaiz at pinalo ng baril ang taxi driver.

Matapos makuha umano ang wallet, bumaba ng taxi si Arnaiz.

Agad nakahingi ng tulong sa mga pulis na nagpapatrolya sa lugar ang taxi driver at naabutan si Arnaiz.

Doon na raw bumunot ng baril si Arnaiz at pinaputukan ang mga pulis na sina Perez at Arquilita.

Gumanti ang mga pulis at napatay si Arnaiz.

Ayon pa sa spot report, nakuha ang kalibre .38 na baril, dalawang sachet ng marijuana, at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Hinagpis ng mga magulang
Napauwi mula sa United Arab Emirates ang overseas Filipino worker na si Eva Arnaiz, ina ni Carl, para hanapin noon ang nawawalang anak na huling nakitang umalis sa kanilang lugar sa Cainta, Rizal noong gabi ng Agosto 17 kasama ang 14 anyos na kapitbahay.

Matapos ang 10 araw, sa isang morgue sa Caloocan City nahanap ng mga magulang ang bangkay ng binata.

Umalma rin ang mga magulang ni Arnaiz sa report ng mga pulis.

Anila, valedictorian noong elementary ang binata, graduate ng Makati Science High School at pumasa sa University of the Philippines Diliman.

Hindi lang daw nakapagpatuloy sa pag-aaral si Carl dahil sa depression.

Pero nakatuon naman ang kaniyang atensiyon sa pagpapatakbo ng negosyong sari-sari store.

PAO, magsasampa ng kaso
Nakatakdang magsampa ng kaso ang PAO laban sa mga pulis-Caloocan na sangkot sa pagkasawi ni Arnaiz.

Ayon kay PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta, mayroon pa silang pinoprosesong pahayag at inaasahang makokompleto nila ito sa Huwebes, Setyembre 7.

Dahil walang makuhang SOCO report, naunang hiniling ng pamilya sa PAO na magsagawa ng forensic exam sa bangkay ni Arnaiz.

Batay sa autopsy report, apat na fatal gunshot wounds ang tinamo ni Arnaiz sa dibdib at isa sa likod ng kanang braso.
Ayon sa hepe ng PAO forensic laboratory service na si Dr. Erwin Erfe, mayroon silang nakitang marka na pinosasan sa kanang kamay ni Arnaiz at halata rin aniya na may intensiyong patayin ang binata.

Kinumpirma rin ni Acosta na hawak na ng kanilang opisina ang testigo sa pagpatay kay Arnaiz.

Umaasa rin siyang may iba pang testigong lalantad upang malinawan kung paano namatay si Arnaiz.

PNP Chief, nakiusap, huwag husgahan ang mga pulis
Nakiusap si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na huwag basta-bastang husgahan ang mga pulis kaugnay sa pagpatay kay Arnaiz.

Huwag rin aniyang ihalintulad ang nangyari kay Arnaiz sa kaso ni Kian Loyd delos Santos, ang 17 anyos na napatay ng pulis-Caloocan sa isang anti-drug operation noong Agosto 16.

Paliwanag ni Dela Rosa, tugon ng pulis sa insidente ng holdapan ang nangyari kay Arnaiz.

"That is the case of a police response, pagdating doon sa area, tinuro noong taxi driver 'iyan Sir ang nang-holdap sa'kin'. Noong akmang i-accost, nakipagbarilan," ani Dela Rosa.

Kinuwestiyon naman ni Acosta ang pamamaraan ng paghuli kay Arnaiz.

"Kung ito po'y suspected holdupper (Arnaiz) eh di sana pinosasan, dinala sa presinto at kinasuhan [saka] in-inquest? Bakit ganito 'yong pattern? Parang may pagkakahalintulad kay Kian [Loyd delos Santos] at magkasunod po halos ito," dagdag ni Acosta.

-- May ulat nina Dominic Almelor at Maan Macapagal, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
Dominic Almelor
balita
PAO
NBI
Carl Angelo Arnaiz
Kian delos Santos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT