Publiko pinag-iingat vs bogus supplier, kustomer ng face shield online | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko pinag-iingat vs bogus supplier, kustomer ng face shield online

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 02:29 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 07:41 PM PHT

MAYNILA - Iniimbestigahan na ng Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group ang umano’y online scam na may kinalaman sa bentahan ng face shield, kasabay ng pagputok ng demand para sa mga ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP ACG na naglipana ang mga umano’y nagpo-post na naghahanap o nagbebenta ng daan-libong piraso ng face shield para manloko ng mga kostumer.

Ayon sa ACG, may ilang mga bogus supplier at bogus buyer ng face shield, habang may ilan ding tumatayong middleman para lokohin ang supplier o buyer.

Inatasan na anila ang kanilang cyber-financial unit para imbestigahan ang online scam.
Inatasan na anila ang kanilang cyber-financial unit para imbestigahan ang online scam.
ADVERTISEMENT
Kasama rin sa imbestigasyon ng ACG kung may nagmamanipula sa supply.

Nagpaalala ang PNP sa publiko na maging metikuloso sa pagbili ng ano mang produkto online.

Maaalalang sinabi ng Department of Transportation na obligado nang magsuot ng face shield ang mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15.

Sa Metro Manila at ilan pang karatig-lugar, kung saan ipinapatupad ang modified enhanced community quarantine at bawal pa rin ang pamamasada ng pampublikong sasakyan, aarangkada ang panuntunan oras na maalis ang mahigpit na lockdown protocols.

MGA NABIKTIMA
Nitong weekend lang, rumesponde ang San Juan City police sa kumpulan ng mga motorista sa Ortigas Avenue.

Pero nabatid kalaunan na biktima pala ang mga ito ng face shield scam. Sa Ortigas dapat sila magkikita pero hindi sumipot ang seller.

Unang target ang mga middleman na nakikipagtransaksyon sa mga supplier.

Ang hindi alam ng biktima, iisang tao o magkakunstaba pala ang supplier at buyer.

“Ngayon magkikita-kita ang dumating lang yung buyer. Yung supplier wala. Ang gagawin ngayon ng modus operandi ni buyer, tatakutin si middleman,” ani Police Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police.

May nabibiktima ring mismong mga buyer.
May nabibiktima ring mismong mga buyer.
“Kinausap niya yung supplier. Ako na lang ang magde-depost, ako na ang kausap mo. Binigyan ng bank account number, dineposit. Noong nagkita, hindi sumipot si supplier,” ani Santos.

Ganito rin ang nangyari kay alyas “Shai” na taga-Davao Del Sur.

P12,650 ang ipinadala niyang pera sa nagpanggap na nagbenta sa kaniya ng face shield. Naengganyo umano siya dahil sa halagang P25 kada piraso na mura kumpara sa iba.

Matapos magpadala ng pera ay hindi na niya mahagilap ang nagbenta matapos siyang i-block sa Facebook.

“Minamadali niya ako na magbabayad… sabi niya ita-transact niya ‘yong items kung ipapadala na ‘yong pera,” ani Shai.

Paalala ng Department of Trade and Industry sa mga nais bumili o magnegosyo ng face shield na maging mapanuri sa pagbibilhan at kung maaari ay cash on delivery o kaliwaan ang bayaran para makasigurado.

Nagpaalala rin ang DTI na hindi dapat mag-panic buying ng face shield dahil sapat naman daw ang suplay. Nasa P30 hanggang P50 lang dapat ang halaga nito. — May ulat nina Zhander Cayabyab at April Rafales, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
modus
face shield scam
scam face shield
face shields
online scam
online scam COVID-19 Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT