Bentahan ng face shield lumakas sa Divisoria | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bentahan ng face shield lumakas sa Divisoria

Bentahan ng face shield lumakas sa Divisoria

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 06, 2020 07:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Lumakas umano ang bentahan ng face shield sa Divisoria, Maynila matapos inanunsiyo ng Department of Transportation na kailangan ito sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15.

Kung dati ay punong-puno ang mga bangketa ng mga ibinebentang face shield at umabot pa sa P20 ang isa, ngayon ay halos wala nang mabili nito at kung mayroon man ay mas mataas na ang presyuhan.

Ang sinasabing patok at nagkakaubusan ng supply ay ang full face shield na isinusuot na parang salamin.

Ayon sa tinderang si Elma Rakin, kung dati ay P20 ang kada piraso ng shield, ngayon ay nasa P40 na ito.

ADVERTISEMENT

Sa isang bahagi ng Divisoria, naabutan pa ng ABS-CBN News na may supply ng face shield pero bultuhan o pakyawan kung bilhin ang mga ito.

Ayon sa tinderang si Mary Rose, pahirapan na ang paghahanap ng supply dahil mataas ang bigay ng ibang supplier.

May mga eye shield na gawa sa acrylic na naglalaro mula P150 hanggang P200. May face shield din namang mumurahin na de garter na nasa P20 kada isa.

Wala namang problema sa supply ng surgical mask.

Sa Santa Cruz, Maynila—na kilalang bentahan ng medical supplies—kapos na rin ang supply ng mga face shield.

Mayroon ilang nagbebenta pero mas mahal ng P10 hanggang P20 kumpara sa Divisoria.

Ayon sa Department of Trade and Industry, babantayan nila ang galawan ng presyo ng mga face mask at shield.

Hinikayat din ng kagawaran ang mga mamimili na kung kaya naman ay gumawa ng improvised shield.

Sa Iloilo, may ilang tindahan na nagbebenta ng face shield pero limitado lang sa 2 ang puwedeng mabili ng bawat tao.

Sa labas ng mga tindahan, pinag-aagawan naman ang mga face shield na nakalagay sa kariton.

Nasa P35 ang face shield kung bibilhin sa loob ng tindahan pero pagdating sa reseller, P50 na ang halaga.

Kung 100 piraso ang bibilhin, P45 naman ang bawat isa.

Sa Cagayan de Oro, malakas din ang bentahan ng face shield sa kalye matapos mabalitaang hindi na isasakay sa mga public utility vehicle ang walang face shield.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.