ALAMIN: Mga bagong argumento sa isinumiteng apela ni Sereno sa SC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga bagong argumento sa isinumiteng apela ni Sereno sa SC

ABS-CBN News
Published May 31, 2018 11:07 PM PHT

Naghain na ng kaniyang motion for reconsideration (MR) nitong Miyerkoles ang dating chief justice Maria Lourdes Sereno at hinihiling niyang bawiin ng Korte Suprema ang desisyon sa quo warranto case laban sa kaniya.

Sa kaniyang 205-pahinang MR, muling iginiit ni Sereno na hindi dapat pinagbigyan ng Supreme Court (SC) ang quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) na kumuwestiyon sa kuwalipikasyon niya.

Sa isang press conference ng mga tagapagsalita ni Sereno nitong Huwebes, sinabi nilang may mga bagong argumento silang inilakip sa MR upang kumbinsihin ang mga mahistrado na baliktarin ang kanilang naunang desisyon.

"Ang additional argument po namin dito would be the statement [of the Senate]. I think it has been adopted as a resolution ng 14 na senador. Ang amin pong hiling sa SC ay sana'y mabigyan ng pansin ang mga nasasaad dun sa resolusyon," ani Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno.

ADVERTISEMENT
Iginigiit rin muli ng kampo nila na walang hurisdiksyon ang SC sa pagpapatalsik sa isang impeachable officer gaya ng chief justice, at kung angkop na paraan man ang quo warranto ay lumagpas na rin daw ito sa isang taong prescriptive period na nakasaad sa batas.

Tila hindi rin daw nabigyan ng sapat na pansin ang mga narekober na Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ni Sereno.

"Nagkaroon na ng 12 kopya out of the 16 SALN si Chief Justice. Mukang hindi po yata nabigyan ng proper emphasis kaya isusumite pong magalang sa SC nang matingnan muli ito," ani Cruz.

Hiling nila, sana'y mabago pa ang desisyon ng Korte Suprema pero nilinaw ng mga tagapagsalita ni Sereno na kikilalanin at susundin nila anuman ang magiging pinal na hatol ng SC.

"Mahalaga po itong mga puntos na ito na maaaring hindi natalakay nang husto kaya inilagay sa MR...[Pero] malinaw po na ginagalang natin ang Korte Suprema sa kapangyarihan nito na magbigay ng desisyon sa mga bagay na ito...We will follow the Supreme Court. We will obey its order," paliwanag ni Cruz.

Sang-ayon dito ang Malacañang at sinabing dapat hayaang gumulong ang proseso sa pagdedesisyon ng Korte Suprema sa MR ni Sereno.

"May process po 'yan, sundan ang proseso and we wish her the best," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Mayo 11 nang katigan ng SC ang petisyon ng OSG at ipinag-utos na lisanin ni Sereno ang pagka-chief justice.

--Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
quo warranto
Supreme Court
SC
Korte Suprema
Maria Lourdes Sereno
SALN
Motion for Reconsideration
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT