Sereno naghain ng apela sa Korte Suprema | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sereno naghain ng apela sa Korte Suprema

Sereno naghain ng apela sa Korte Suprema

ABS-CBN News

 | 

Updated May 31, 2018 02:34 AM PHT

Clipboard

Pormal nang umapela ang pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema na pumabor nito rin lang Mayo 11 sa quo warranto petition na nag-alis sa punong mahistrado sa puwesto.

Inihain ng mga abogado ni Sereno ang 205 pahinang motion for reconsideration nitong Miyerkoles, sakto sa 15 araw na palugit na itinakda na puwedeng umapela mula sa araw na natanggap ni Sereno ang desisyon sa quo warranto.

Natanggap ng kampo ni Sereno ang desisyon noong Mayo 15.

Ang quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida ay dinesisyunan ng Korte Suprema noong Mayo 11.

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang apela, iginiit ni Sereno na anim sa mga mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto ay di dapat nakibahagi sa pagdedesisyon sa petisyon.

Nanindigan din si Sereno na maaari lang siyang mapaalis sa pamamagitan ng impeachment.

"Null and void" o walang bisa kung ituring ni Sereno ang desisyon na labag din aniya sa kaniyang karapatan sa due process o ang prosesong sinusunod sa ilalim ng batas.

Walong mahistrado ang bumoto para mapatalsik si Sereno. Sila ay sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Andres Reyes, Jr., Alexander Gesmundo, at Noel Tijam na may-akda ng 153-pahinang makasaysayang desisyon.

Nais ni Sereno na ma-disqualify ang boto ng anim na mahistradong nauna niya nang ipinetisyong mag-inhibit sa kaso. Sila ay sina de Castro, Peralta, Bersamin, Jardeleza, Martires, at Tijam.

Anim ang kumontra sa quo warranto. Sila ay sina: Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Presbitero Velasco, Jr., Mariano Del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leonen, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Kasalukuyang naka-recess ang Korte Suprema. Nakatakda ang en banc sessions nitong magsimula sa Hunyo 5.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.