ALAMIN: Opinyon ng mga mahistradong pabor, kontra sa quo warranto vs Sereno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Opinyon ng mga mahistradong pabor, kontra sa quo warranto vs Sereno

ALAMIN: Opinyon ng mga mahistradong pabor, kontra sa quo warranto vs Sereno

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sari-sari nang opinyon ang naglabasan kaugnay sa naging hatol ng Korte Suprema nitong Biyernes na patalsikin bilang Chief Justice si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng isang quo warranto petition.

Pero paano nga ba ipinaliwanag ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) ang kanilang naging pagpabor o pagtutol sa nasabing petisyon?

Isa sa mga unang nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa ruling ng en banc ay si Associate Justice Marvic Leonen.

Sa kaniyang pahayag, tinawag niyang "legal abomination" o kasuklam-suklam ang paggamit sa quo warranto upang magpatalsik ng isang impeachable officer.

ADVERTISEMENT

"Quo warranto, as a process to oust an impeachable officer and a sitting member of the Supreme Court, is a legal abomination.”

Kahit gaano pa umano kaayaw ng mga mahistrado ang punong mahistrado, impeachment lamang ang tanging paraan para maalis siya sa puwesto.

Babala ni Leonen, magiging subservient o sunud-sunuran ang Korte Suprema sa isang agresibong Solicitor General dahil sa desisyon na ito.

Sa dissenting opinion din ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, sinabi niyang kahihiyan ang ginawa ng SC.

Aniya, nawalan ng dangal ang korte nang magpagamit ito sa isang ahensiyang nagtulak na mapatalsik si Sereno.

"This case marks the time when the Court commits seppuku - without honor... I view with deep shame and regret this day when the Court has ousted one of its sitting Members upon the prodding of a mere agency of a separate coordinate department," ani Caguioa.

Ganito rin ang pananaw ni Senior Associate Justice Antonio Carpio. Giit niya, ang Kamara ang mag-iimpeach at ang Senado ang magko-convict.

Pero para sa ponencia ni Associate Justice Noel Tijam na sinang-ayunan ng mayorya, walang integridad si Sereno na panghawakan ang posisyon ng Chief Justice at pamunuan ang hudikatura.

"It was found that respondent is ineligible to hold the Chief Justice of the Supreme Court position for lack of integrity."

-- Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.