ALAMIN: Ano ang quo warranto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang quo warranto
ALAMIN: Ano ang quo warranto
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2018 05:33 PM PHT
|
Updated Mar 13, 2018 05:51 PM PHT

Madalas naririnig ang katagang 'quo warranto' dahil sa mga balita tungkol kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito at bakit ito isinasampa? Ipinaliwanag ng abogadong si Atty. Claire Castro sa programang 'Usapang de Campanilla' sa DZMM ang saklaw ng quo warranto.

Ayon kay Castro, ang quo warranto ay isang aksyon o reklamo na maaaring isampa sa isang opisyal ng gobyerno kung hindi ito kuwalipikado sa posisyon na inuupuan.

"Halimbawa, ikaw pala ay dapat na Filipino citizen, natural-born. Hindi napansin during the election, hindi ka pala natural-born pero nagpa-naturalized ka, tapos nu'ng naka-posisyon ka na, napansin nila... 'di ka pala natural-born," ani Castro.

Para kay Castro, maaari rin aniyang maging basehan sa pagsasampa ng quo warranto ang hindi paghahain ng statement of assets, liabilities, and net worth (SALN).

"Kung sinasabi dito na ikaw ay required to submit bago ka sumalang sa isang test, kung hindi mo ito tinupad, puwede siyang maging cause na from the start, hindi ka qualified kasi hindi mo na-comply lahat ang requirements," ayon sa abogado.

Hindi rin aniya basta-basta ang pagsasampa ng kaso na ito.

Paliwanag ni Castro, maaaring dalhin sa Office of the Solicitor General ang reklamo, kung saan pag-aaralan ito.

Ang nasabing opisina ang puwedeng magsampa ng quo warranto laban sa opisyal na hindi kwalipikado sa posisyon.

Samantala, maaari namang magsampa ng quo warranto ang isang ordinaryong tao kung ito ay may interes at mas kuwalipikado sa posisyon na kinukuwestiyon.

Dapat din aniya ay maisampa ang quo warranto sa loob ng isang taon mula nang maluklok sa puwesto ang opisyal.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
batas kaalaman
quo warranto
Maria Lourdes Sereno
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT