Sereno, talsik sa Korte Suprema dahil sa 8-6 boto para sa quo warranto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sereno, talsik sa Korte Suprema dahil sa 8-6 boto para sa quo warranto

Sereno, talsik sa Korte Suprema dahil sa 8-6 boto para sa quo warranto

ABS-CBN News

 | 

Updated May 11, 2018 09:28 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinanggal sa puwesto ng kaniya mismong mga kapwa mahistrado sa Supreme Court (SC) si Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos paboran ng mayorya sa kanila ang quo warranto petition laban sa kaniya.

Ginanap ang botohan nitong Biyernes sa isang espesyal na en banc session na itinakda ng SC.

Naganap ang desisyon habang hindi pa naipapasa ng House of Representatives ang impeachment case laban laban kay Sereno sa Senado. Ang impeachment ang itinatakda ng 1987 Constitution na legal na paraan ng pag-aalis sa mga matataas na opisyal ng bansa.

Sa botong 8-6, pumanig ang karamihan ng mga associate justice ng SC sa petisyong isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) laban kay Sereno.

ADVERTISEMENT

Narito ang dispositive portion ng desisyon na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam:

"Wherefore the petition for quo warranto is granted. Respondent Maria Lourdes P.A. Sereno is found disqualified from and is hereby adjudged guilty of unlawfully holding and exercising the office of the chief justice. Accordingly, respondent [Sereno] is ousted and excluded therefrom."

Idineklara ring bakante ang posisyon ng chief justice.

Naniwala ang karamihan ng mga hukom ng Korte Suprema sa bintang ng solicitor general na sapat na basehan ang umano'y kulang-kulang na SALN ni Maria Lourdes Sereno para alisin ito bilang chief justice.

Kabilang sa mga bumoto pabor sa quo warranto ang mga sumusunod na mahistrado:

• Lucas Bersamin
• Teresita De Castro
• Alexander Gesmundo
• Francis Jardeleza
• Samuel Martires
• Diosdado Peralta
• Andres Reyes Jr.
• Noel Tijam

Tulad ng inaasahan ni Sereno, bumoto laban sa kaniya ang anim na mahistradong ipinapa-inhibit niya sa pagdedesisyon sa petisyon.

Ang mga sumusunod na justices naman ang pumanig na manatili si Sereno sa puwesto:

• Estela Perlas-Bernabe
• Alfredo Caguioa
• Antonio Carpio
• Mariano Del Castillo
• Marvic Leonen
• Presbitero Velasco Jr.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Sereno na balak nilang maghain ng motion for reconsideration sakaling manalo ang quo warranto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.