Puyat gustong 'ipa-COA' lahat ng mga gastos sa DOT | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Puyat gustong 'ipa-COA' lahat ng mga gastos sa DOT

ABS-CBN News
Published May 18, 2018 11:19 PM PHT

Hindi makapaniwala ang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Bernadette Romulo-Puyat sa umano'y walang pakundangang paggasta ng pera ng taumbayan na dinatnan niya sa ahensiya.
Ayon kay Puyat, hindi siya nakatulog noong unang gabi na makita niya ang ilang dokumento kung paano ginasta ang budget ng DOT mula sa kaban ng bayan.

Dahil dito, ipinatigil niya muna lahat ng proyekto, hindi lamang ng Tourism Promotions Board (TBP) na pinamumunuan ni Cesar Montano, kung hindi pati na lahat ng mga nasa ilalim ni dating Secretary Wanda Teo.

"Nabibigla lang ako kasi everyday may nadi-discover ako. So parang nakakalungkot lang kasi ang laki-laki ng mga perang pinag-uusapan hindi lang P1 million, [kung hindi] hundreds of millions. Eh galing pa ako sa DA (Department of Agriculture), 'yung mga magsasaka natin, wala na ngang pera," rebelasyon ng kalihim.

Isang undersecretary sa DA si Puyat bago siya itinalaga sa DOT matapos ang pagbibitiw ni Teo.
Isang undersecretary sa DA si Puyat bago siya itinalaga sa DOT matapos ang pagbibitiw ni Teo.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Puyat, sa "Buhay Carinderia" project pa lang ng TBP sa ilalim ni Montano, P320 million na ang budget na hindi dumaan sa bidding.

Napirmahan ang paunang bayad na P80 milyon kahit hindi pa umaarangkada ang proyekto. Halos P45 milyon naman ang inilabas sa mga kasunod na araw, at P35 milyon matapos ang ilang linggo.

Bukod pa rito, may nasilip rin ang kalihim na mga fashion show sa ibang bansa na umano'y masyadong malaki ang pondo at napunta sa mga "malalapit" sa dating pamunuan ng DOT.

Kuwestiyonable rin daw ang mga biyahe at events gaya ng golf tournament.

"Pera ng taumbayan 'yan. Hindi ka pumasok sa gobyerno para mag-around-the-world. Hindi mo kailangan ng isang batalyon [kapag bumibiyahe]. You have attaches," giit ni Romulo-Puyat.

Dahil dito, gusto ni Romulo-Puyat na dagdagan pa ng Commission on Audit (COA) ang kanilang mga auditors sa DOT para mabusisi ang lahat ng gastos ng mga opisyal nito.

Posible rin daw na bawasan niya ang kaniyang mga undersecretary at assistant secretary.

"Iyun din ang concern ng mga private sector, 'yung overlap. And when you overlap [functions], how can you focus?" aniya.

Nakatakdang makipagpulong si Puyat sa COA para sa mga imbestigasyong gagawin sa DOT.

--Ulat ni Henry Omaga Diaz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Bernadette Romulo-Puyat
Berna Romulo-Puyat
Cesar Montano
balita
turismo
isyu
kontrobersiya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT