DOT chief kakausapin si Cesar Montano sa P80 M 'Buhay Carinderia,' musical | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOT chief kakausapin si Cesar Montano sa P80 M 'Buhay Carinderia,' musical

DOT chief kakausapin si Cesar Montano sa P80 M 'Buhay Carinderia,' musical

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kakausapin ng bagong panumpang kalihim ng Department of Tourism (DOT) si Cesar Montano ukol sa isyu ng proyektong nabayaran na ng P80 milyon pero di pa nakokompleto, at sa umano'y pagmamadali nitong makaalis sa isang event para makapanood ng musical.

Ipinatawag para sa isang pag-uusap sa Miyerkoles, Mayo 16, ni DOT Secretary Bernadette Romulo Puyat si Montano, chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB), para magbigay ng panig ukol sa ulat ng pagbiyahe ng aktor sa New York kung saan inanyayahan siyang maging speaker sa isang dinner sa hotel noong Mayo 9.

Tampok sa naturang dinner ang turismo at fashion sa Pilipinas.

Batay sa isang lumabas na artikulo, nagulat umano ang mga bisita nang magtalumpati lang ng dalawang minuto si Montano at agad umalis dahil manonood pa raw siya ng Broadway musical.

ADVERTISEMENT

"Pinatawag ko siya for tomorrow, gusto ko siyang kausapin... Gusto ko ding madinig kung totoong nangyari na dalawang minuto, supposedly keynote speaker siya tapos dalawang minuto lang siya nagsalita kasi baka ma-late daw siya sa play," ani Puyat.

Kung dadating sa pulong si Montano, pagpapaliwanagin din siya ni Puyat sa isyung ang TPB ay nagbayad ng P80 milyon para sa "Buhay Carinderia" project na di pa tapos.

Layunin ng proyektong itampok ang mga Filipino street food gayundin ang mga kainan sa bansa.

Sa ilalim naman ng polisiya ng gobyerno, utay-utay at hindi isang bagsakang binabayaran ang proyekto.

Ibinibigay rin ang huling bayad sa proyekto kung ito'y nakompleto na.

Itinanggi naman agad ng kompanyang binayaran umano ng TPB ang alegasyon laban sa proyekto.

"It's all baseless. I will disprove the allegations once I arrive in Manila this week," ani Linda Legaspi, presidente ng Mary Lindbert International.

Iniutos din ni Puyat ang courtesy resignation ng lahat ng undersecretary at assistant secretary na karaniwang ka-termino ng isang kalihim.

Pinalitan ni Puyat ang nagbitiw na si Wanda Teo kasunod ng alegasyon ng katiwalian sa pagbabayad ng DOT ng P60 milyon para sa commercial ads sa programa ng Tulfo brothers, mga kapatid ni Teo.

Ayon kay Puyat, "no corruption" ang utos sa kaniya ni Duterte kaya mahigpit din niyang babantayan ang paggamit ng ahensiya ng pondo ng bayan.

"Hindi ako matutulog, tiitngnan ng lahat ng accountants ko, lahat ng abogado ko... Kailangan ko tingnan every program, every project, every [project] kahit na na-award na... kasi kahit na-award na hindi ko panahon, kung ako mag-iimplement, ako ang mako-COA (Commission on Audit)," ani Puyat.
-- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.