'Buhay Carinderia' suspendido, iimbestigahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Buhay Carinderia' suspendido, iimbestigahan

ABS-CBN News
Published May 17, 2018 09:59 PM PHT

Ipinatigil ng bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) ang programang "Buhay Carinderia" upang magbigay daan sa imbestigasyon sa naturang proyekto.

Ito ay matapos umamin si Cesar Montano, chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TBP), sa paglalabas ng kaniyang ahensiya ng tseke na aabot sa P80 milyon upang mabayaran nang buo ang gastos para sa programa.

Inanunsiyo ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pagpapatigil niya ng programa matapos niyang ipatawag at kausapin si Montano.

Sa ilalim ng patakaran ng gobyerno, paunt-unti at hindi minsanang binabayaran ang mga proyekto.

ADVERTISEMENT
Ibinibigay din ang huling bayad kung nakumpleto na ang programa.

Sinabi rin ni Puyat na bukod sa hindi pa natatapos ang proyekto ay hindi rin umano ito dumaan sa bidding.

Dagdag pa ni Puyat, sa isang dekadang paninilbihan niya sa gobyerno ay ngayon lang siya nakarinig na hindi kailangan ng bidding sa isang opisina.

Ipinasisilip na niya sa Commission on Audit (COA) ang suspendidong programa pati na rin ang iba pang proyektong pinasok ni Montano mula nang maupo ito bilang pinuno ng TBP.

Inihahanda na ng DOT ang mga dokumentong isusumite sa COA.

Pagbabasehan daw ni Puyat ang report ng COA sa susunod niyang hakbang kay Montano kung ipasasauli ang mga pera na inilabas para sa mga proyekto o kung sasampahan ito ng kaso.

Read More:
Tagalog news
DOT
Tourism
Cesar Montano
Bernadette Romulo-Puyat
Buhay Carinderia
Department of Tourism
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT