MOU para sa mga OFW sa Kuwait, pipirmahan sa Biyernes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MOU para sa mga OFW sa Kuwait, pipirmahan sa Biyernes

Maxxy Santiago,
ABS-CBN News
Published May 10, 2018 01:42 PM PHT
|
Updated May 10, 2018 09:19 PM PHT

Tuloy na sa Biyernes ang pagpirma ng Pilipinas at Kuwait sa isang kasunduang layon na maprotektahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naghahanapbuhay sa naturang bansa sa Middle East.

Ito'y matapos makipagpulong sa mga Kuwaiti officials sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Presidential Spokesperson Harry Roque, at former Labor Secretary Marianito Roque nitong Miyerkoles.

Naganap ito sa gitna ng hidwaan ng dalawang bansa matapos ang pag-rescue ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa ilang OFWs na nakararanas umano ng pang-aabuso sa kanilang mga amo.

Ito'y ikinagalit ng Kuwait at itinuring na isang paglabag sa kanilang soberaniya.
Ito'y ikinagalit ng Kuwait at itinuring na isang paglabag sa kanilang soberaniya.
ADVERTISEMENT
Ilan sa mga napagkasunduan ang paglulunsad ng isang "special number" na maaaring tawagan ng mga OFW sa oras na makaranas sila ng pang-aabuso.

"Bubuo po ng special unit ng mga police na makikipag-ugnayan 24 hours a day sa Philippine embassy," ani Roque.

"May special number din na tatawagan ang ating mga kababayan kapag hihingi sila ng saklolo at ito ay accessible sa Philippine Embassy at Ministry of Interior [ng Kuwait]," dagdag niya.

Nakipag-usap din sila sa mga opisyales ng Ministry of Foreign Affairs kung saan pumayag ang Kuwait na bigyan ng exit clearance ang mahigit 500 distressed OFWs sa shelter ng Philippine Overseas Labor Office ng Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA).

Sasagutin din ng gobyerno ng Kuwait ang mga ticket ng mga Pinoy pauwi.

"Iyong mga walang kaso, pauuwiin na nila at their expense. Nabigla nga kami, napasipa nga ako kay Sec. Harry Roque. That’s a bonus, unexpected," pagbabahagi ni Bello.

Bukod sa pirmahan ng MOU, posible ring magkaroon ng partial lifting ng deployment ban na ipinatupad noon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang serye ng pagkamatay ng mga OFW sa Kuwait.

"Baka partial lifting lang to allow the deployment ng mga skilled workers and professionals. Iyon ang ire-recommend ko kay Presidente. Tingnan muna natin 'yung magiging immediate na lalagdaan nating MOU," ani Bello.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-uusap ng grupo nina Bello at Roque sa kanilang mga Kuwaiti counterpart para sa exit clearance ng tatlong diplomat na nakatengga pa rin sa loob ng embahada.

Nakalaya na rin ang apat na driver na inaresto dahil sa ginawang kontrobersiyal na "rescue" ng Philippine embassy sa mga OFW na inabuso umano.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Kuwait
MOU
OFW
Philippine embassy
Harry Roque
Philippine Overseas Labor Office
Overseas Workers Welfare Administration
POLO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT