DOLE, kumpiyansang tuloy ang PH-Kuwait MOU sa kabila ng 'hidwaan' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOLE, kumpiyansang tuloy ang PH-Kuwait MOU sa kabila ng 'hidwaan'

ABS-CBN News
Published Apr 27, 2018 10:29 PM PHT

Kumpiyansa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na matutuloy ang kinakasang memorandum of understanding (MOU) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Matatandaang idineklarang persona non grata ng Kuwaiti government si Philippine Ambassador Renato Villa matapos kumalat ang rescue video ng embahada na hindi nagustuhan ng naturang bansa.

Ayon kay Bello, ikinagulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Kuwait lalo na't natuldukan na umano ang isyu sa pulong nito sa kanilang ambassador na si Saleh Ahmad Althwaikh.

"He was surprised, kasi after our Davao meeting, everything appeared to be all right," aniya.
"He was surprised, kasi after our Davao meeting, everything appeared to be all right," aniya.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, pinulong na ni Duterte sa Singapore sina Bello, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Nasa Singapore ang Pangulo at ang kanyang mga opisyal para sa ika-32 Association of Southeast Asian Nations Summit.

Sa pulong ay inilatag ang mga susunod na hakbang ng bansa matapos ang desisyon ng Kuwait.

Hindi nagbigay ng detalye ng pulong si Bello dahil ang Pangulo na aniya ang mag-aanunsiyo nito.

Nag-issue na ng diplomatic note ang Pilipinas para hingin ang klaripikasyon ng Kuwait sa kanilang naging desisyon.

Nakatakda namang lumipad patungong Kuwait si Bello pagkatapos ng Labor Day para makipagpulong sa mga opisyal doon.

--Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
OFW
Kuwait
Renato Pedro Villa
embassy
overseas Filipino worker
Middle East
Philippine ambassador to Kuwait
Philippine embassy to Kuwait
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT