Pagso-sorry ni Duterte, nakikitang sagot sa sigalot ng Pinas at Kuwait | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagso-sorry ni Duterte, nakikitang sagot sa sigalot ng Pinas at Kuwait

ABS-CBN News
Published May 01, 2018 09:46 PM PHT

Para matapos na ang hidwaan ng Pilipinas at Kuwait, dapat mag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong emir ng Kuwait.

Ito ang nakikitang sagot ni dating ambassador Jose Apolinario Lozada: ang personal na paghingi ng tawad ng Pangulo sa emir.

“The fastest way here is for the President to just pick up the phone, call the crown, and apologize... that settles everything,” ani Lozada.

Ayon kay Lozada, hindi sapat ang sorry ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano dahil na rin sa bigat ng sitwasyon.

ADVERTISEMENT
Nag-umpisa ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos ang hindi umano awtorisadong pagsagip ng embahada sa ilang overseas Filipino workers (OFWs) na inaabuso diumano ng kanilang mga amo.

Reklamo ng Kuwait, nilabag ng Pilipinas ang mga patakarang umiiral sa ugnayan ng mga bansa sa ilalim ng Vienna Convention on Diplomatic Relations.

Matatandaang pinalayas ng Kuwait ang ambassador ng Pilipinas doon at idineklara pa itong persona non grata.

"Siya ang personification ng ating Presidente. In short, therefore, it was the President who was declared persona non grata and the Republic of the Philippines," paglalarawan ni Lozada.

"It’s not an ordinary declaration... that’s why it’s seldom used because here you are cutting your ties with the Republic of the Philippines," dagdag niya.

Aminado rin si Lozada na mali talaga ang ginawa ng Pilipinas lalo na't ipinakalat pa ang rescue video sa social media.

"I agree with protecting our nationals in Kuwait. But the process was very, very wrong because we did not coordinate with them...If you and I have problems and I am a guest in your house, I start interfering in your personal affairs. Di ba magagalit kayo? It’s as simple as that.”

Samantala, nagpasalamat nitong Martes si Cayetano sa pahayag ng deputy foreign minister ng Kuwait na handa pa itong makipagtulungan sa Pilipinas para pangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.

"We acknowledge with heartfelt thanks the assurances of Kuwait...in protecting the rights and promoting the welfare of Filipinos working there," ani Cayetano

Malalim kasi ang pagkakaibigan ng dawalang bansa kaya kumpiyansa si Cayetano na mananatili ito sa kabila ng di pagkakaunawaan.

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
OFW
Kuwait
Renato Pedro Villa
embassy
overseas Filipino worker
Middle East
Philippine ambassador to Kuwait
Philippine embassy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT