DFA, dismayado sa pagpapalayas ng Kuwait sa PH ambassador | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DFA, dismayado sa pagpapalayas ng Kuwait sa PH ambassador

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2018 08:55 PM PHT

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa desisyon ng Kuwaiti government na paalisin sa kanilang bansa si Philippine Ambassador Renato Villa.

"The Department served a diplomatic note to the Embassy of Kuwait conveying its strong surprise and great displeasure over the declaration of Ambassador Renato Pedro Villa as persona non grata," sinabi ng DFA sa kanilang pahayag.

Naghain ng protesta ang DFA dahil taliwas umano ang naging hakbang ng Kuwaiti government sa pagtiyak ng kanilang ambassador na si Saleh Ahmad Althwaikh noong Martes na malayang makakapagsilbi sa Kuwait si Villa.

Nababahala rin ang kagawaran sa pagkakakulong ng apat na Pilipino sa Kuwait na tumulong sa embahada sa pag-rescue ng mga overseas Filipino worker (OFW), at sa warrant of arrest ng naturang bansa laban sa tatlong diplomatic personnel ng Pilipinas.

Magpapadala ang Malacañang ng bagong ambassador sa Kuwait, pero depende pa ito kung tatanggapin siya ng Kuwaiti government.

"Ibig sabihin lang naman nu'n, hindi katanggap-tanggap 'yung ambassador na ito, palitan mo. 'Yun po ang ibig sabihin kapag ikaw ay nadeklarang persona non grata," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.

Para kay ACTS OFW party-list Rep. John Bertiz, kataksilan ang ginawa ng Kuwait.

"Sa ginawa nila right after they were personally received by no less than our President (Rodrigo Duterte) and the SFA (Secretary of Foreign Affairs) expressed his apology, ginawa pa rin nila 'yun, so I think na we should practice the principle of reciprocity na lang din," ani Bertiz.

Iminungkahi naman sa pamahalaan ni retired ambassador Apolinario "Jun" Lozada na magtalaga ng special envoy o mediator na hihilom sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait.

Paliwanag ni Lozada, ito ang unang beses na idineklarang persona non grata ng ibang bansa ang ambassador ng Pilipinas.

Dahil dito, maaaring malaki ang magiging epekto nito sa suporta ng Kuwait sa Pilipinas sa sari-saring isyu tulad ng langis at usapang pangkapayapaan.

--Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
OFW
Kuwait
Renato Pedro Villa
embassy
overseas Filipino worker
Middle East
Philippine ambassador to Kuwait
Philippine embassy to Kuwait
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT