Mga OFW sa Kuwait, nagulantang sa pagpapatalsik sa PH envoy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga OFW sa Kuwait, nagulantang sa pagpapatalsik sa PH envoy

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2018 12:29 PM PHT
|
Updated Apr 26, 2018 10:14 PM PHT

Nagulantang at nalungkot ang mga Pilipino sa Kuwait matapos ideklara ng Ministry of Foreign Affairs na "persona non grata" si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa.

Binibigyan na lang ng isang linggo si Villa para lisanin ang Kuwait dahil sa kontrobersiyal na pag-rescue ng distressed overseas Filipino workers (OFW) na walang kasamang lokal na awtoridad.

Ilang mga Pilipino ang nagpahayag ng pangamba sa maaaring maging epekto nito sa higit 250,000 OFW sa Kuwait, 160,000 dito ang nagtatrabaho bilang household service workers (HSWs).

Bukod pa riyan, may 800 distressed OFWs pa ang namamalagi sa shelter ng embassy at naghihintay ng kanilang repatriation.

Giit nila, baka maapektuhan ang operasyon at pag-usad ng mga trabaho sa embahada kapag umalis na si Villa.

Sinikap ng ABS-CBN News na hingan ng pahayag si Villa pero tumanggi na itong magsalita alinsunod sa utos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ngayon, naghahanda na siya para sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas.

Hinihintay rin ng mga Pinoy sa Kuwait ang magiging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga bagong kaganapan dito.

Nauna nang naglabas ng pahayag ang DFA na sinasabing "nakababahala" ang naging aksiyon ng Kuwait laban kay Villa.

--Ulat ni Maxxy Santiago, ABS-CBN Middle East News Bureau
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
OFW
Kuwait
Renato Pedro Villa
embassy
overseas Filipino worker
Middle East
Philippine ambassador to Kuwait
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT