Pilipinas, nag-sorry sa Kuwait rescue ng OFWs | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pilipinas, nag-sorry sa Kuwait rescue ng OFWs

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2018 07:52 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2018 11:43 PM PHT

Maaaring pirmahan matapos ng Ramadan ang kasunduan sa OFWs

Nag-sorry ang Pilipinas kasunod ng reklamo ng Kuwait sa paraan ng pagsaklolo ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga nagpapa-rescue na overseas Filipino workers.

Nakipagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kay Kuwaiti Ambassador Saleh Ahmad Althwaikh nitong Martes at sinabi ng kalihim na magpapadala ng pormal na liham ng paliwanag sa Kuwait ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng embahada ng bansa sa Kuwait.

"As a general rule, we coordinate with the Kuwaiti government. That’s our SOP (Karaniwang nakikipag-ugnayan kami sa Kuwaiti government, iyan ang aming standard operating procedure)," paliwanag ni Cayetano.

"There are certain exception, when there's life or death threat to our nationals, when we receive a call 'papatayin na ako, I'm in danger,' so action has to be swift and action has to be given right away."

Giit ni Cayetano, gusto lamang naman ng embahada na tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pinoy na nagpapasaklolo sa Kuwait.

"We apologize to the Kuwaiti government, the Kuwaiti people and the leaders of Kuwait if they were offended by some actions taken by the Philippine Embassy... it was all done in the spirit of emergency action to protect Filipinos," ani Cayetano.

Nag-ugat ang isyu sa lumabas na video nitong weekend kung kailan sinabi umano ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na hindi kailangan ang tulong ng mga awtoridad sa Kuwait para saklolohan ang mga di dokumentadong Pinoy.

Tampok din sa nag-viral na video ang pag-rescue ng ilang opisyal ng embahada sa mga Pinoy na household service workers (HSW).

Naghain ng diplomatic protest ang Kuwaiti foreign ministry kaugnay ng video at ipinatawag din si Villa.

Nauna nang dinepensahan ni Cayetano si Villa ukol sa isyu.

Tiniyak din naman ni Cayetano sa mga "distressed" na OFW o Pinoy HSW na patuloy silang tutulungan ng gobyerno ng Pilipinas na mas paiigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Kuwait.

Nanawagan din ang kalihim sa Kuwait na papanagutin ang mga responsable sa pang-aabuso sa ilang Pinoy roon.

"Ito po 'yong may litrato tayo na gulpi-sarado or half-alive na lang ang kababayan natin bago naasikaso, so not enough na na-rescue, not enough na natulungan natin... the people who did it should be brought to justice," ani Cayetano.

Nais din ni Cayetano na pakawalan ang dalawang Pinoy na napaulat na dinetene sa Kuwait dahil sa umano'y pagiging driver sa isinagawang rescue operations sa mga OFW.

"We are apologizing for certain incidents that the Kuwait view as a violation of their sovereignty, but we have explained to them that these acts we felt were necessary to saving and protecting Filipino lives."

Ipinaalis na ni Cayetano ang video ng rescue na ikinasama ng loob ng ilang Kuwaiti at pinarerepaso na rin ang tuntunin sa pag-post sa social media.

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING
Sa kabila naman ng kontrobersiya, sinabi ng Malacañang na nakatakda pa ring pirmahan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan ukol sa pagtitiyak ng kapakanan ng mga ipadadalang OFW sa Kuwait.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, maaaring pirmahan ito matapos ang Ramadan na inaasahang magsisimula sa Mayo.

"I don’t think it was ever in danger. I think both states have invested time, resources, effort and I think both are serious in signing this MOU. We can’t deny, we have to provide employment for our countrymen, but I think the Kuwait side has recognized that they also need the services of our countrymen. It is in that sense of mutual need for each other that we negotiated that MOU," ani Roque.

Dagdag ni Roque, tiniyak din ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na irerespeto ng Pilipinas ang soberaniya ng Kuwait kasabay ng pagbibigay proteksiyon din ng Pilipinas sa mga mamamayan nitong naroroon.

Nakipagpulong din si Duterte kay Althwaikh nitong Lunes, Abril 23, sa Davao City.

"Well, ang naging resolution po, tanggapin po ng Kuwait government na talagang pangangalagaan natin ang ating mga mamamayan sa Kuwait dahil ito ay obligasyon natin bilang isang bansa. Tinatanggap din po natin ang soberaniya ng Kuwait na dapat ang magpatupad ng bansang Kuwait ay 'yong mga taga-Kuwait," ani Roque.

Nito lang Pebrero nang ipagbawal ang pagpapadala sa mga bagong hire na OFW papuntang Kuwait sa gitna ng mga report ng pang-aabuso sa mga Pinoy HSW.

Kasabay nito, nagimbal ang bayan sa sinapit ng Pinay na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Hinihinalang isang taon nang patay si Demafelis nang matagpuan ang kaniyang bangkay.

Kalauna'y nahuli ng mga awtoridad ang mag-asawang Lebanese at Syrian na employer ni Demafelis at mga suspek sa pagkamatay ng OFW.

Sa unang pagdinig ng kanilang kaso, sinentensiyahan agad ang mag-asawa ng bitay.

Isa ang hustisya para kay Demafelis sa mga kondisyon noon ng Pilipinas bago ikonsidera ang partial lifting ng total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

-- Ulat nina Willard Cheng at Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Willard Cheng
Pia Gutierrez
balita
overseas
abroad
Kuwait
overseas Filipino worker
OFW
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT