Mag-asawang dawit sa kaso ng Pinay na natagpuan sa freezer, sinentensiyahan ng kamatayan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang dawit sa kaso ng Pinay na natagpuan sa freezer, sinentensiyahan ng kamatayan

Mag-asawang dawit sa kaso ng Pinay na natagpuan sa freezer, sinentensiyahan ng kamatayan

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 02, 2018 01:25 AM PHT

Clipboard

Sinentensiyahan ng korte sa Kuwait ng kamatayan o bitay sa pamamagitan ng pagbibigti ang lalaking Lebanese at kaniyang misis na Syrian na idinadawit sa pagpatay sa isang Pinay household service worker (HSW).

Ibinaba ng korte ang sentensiya sa unang pagdinig pa lang ng kasong pagpatay kay Joanna Demafelis, ang 29 anyos na natagpuan sa loob ng isang freezer sa inabandonang apartment sa Kuwait nitong Pebrero.

Hinihinalang isang taon nang patay si Demafelis nang matagpuan ang kaniyang bangkay.

Ayon sa isang source ng Agence France-Presse, maaari pang iapela ng mag-asawa ang sentensiya kung sila'y babalik sa Kuwait.

ADVERTISEMENT

Magkasunod na nahuli ang mag-asawa sa Damascus na kabisera ng Syria kasunod ng manhunt ng Interpol.

Ipinaubaya ng mga awtoridad na Syrian ang Lebanese na suspek na si Nader Essam Assaf sa mga awtoridad ng Lebanon habang nanatili ang Syrian na misis niya sa kustodiya ng mga awtoridad sa Damascus.

Nito lang Pebrero nang ipagbawal ang pagpapadala sa mga bagong hire na overseas Filipino worker papuntang Kuwait sa gitna ng mga report ng pang-aabuso sa mga Pinoy HSW na kalauna'y lalong naging maigting na isyu nang matagpuan ang labi ni Demafelis.

Sa gitna naman ng umiiral na ban, hiniling ng ilang OFW sa Kuwait na huwag naman sanang pigilan maging ang pag-alis ng Pinoy skilled workers papuntang Kuwait.

Isa ang hustisya para kay Demafelis sa mga kondisyon ng Pilipinas bago ikonsidera ang partial lifting ng total deployment ban sa Kuwait.

Noong Marso, sinabi ng DOLE na maaaring bawiin na ang deployment ban para sa skilled workers pero hindi ang para sa mga HSW.

Hinihintay pa ring magkapirmahan ang Pilipinas at Kuwait sa kasunduang mangangalaga sa kapakanan ng mga HSW.

-- May bahaging isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.