Mag-asawang suspek sa pagpatay kay Joanna Demafelis, hawak na ng mga awtoridad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawang suspek sa pagpatay kay Joanna Demafelis, hawak na ng mga awtoridad

ABS-CBN News
Published Feb 25, 2018 07:48 PM PHT
|
Updated Dec 12, 2019 03:10 PM PHT

Hawak na ng mga awtoridad ang mag-asawang itinuturing na mga suspek sa pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa kustodiya na ng mga awtoridad sa Syria si Mona Hassoun, asawa ni Nader Essam Assaf na nahuli naman sa Lebanon noong Biyernes.

Ang mag-asawa ang itinuturing na principal suspects sa pagpaslang kay Demafelis, na pumasok umano sa kanila bilang house help.

Natagpuan ang bangkay ng 29 anyos na si Demafelis sa isang freezer sa Kuwait nitong Pebrero, higit isang taon matapos maiulat na siya ay nawawala.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ngayong nahuli na ang mag-asawa ay masisimulan na ng pamahalaan ang pagkuha ng katarungan sa pagkamatay ni Demafelis.

Ang pagkamatay ni Demafelis ay isa sa mga nagtulak sa gobyerno ng Pilipinas para magpatupad ng total deployment ban sa Kuwait.

Nagpatupad na rin ng repatriation program ang gobyerno para sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait na nais umuwi ng bansa.

Higit 250,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Kuwait, karamihan bilang domestic helper, ayon sa DFA.