Mga manggagawang Pinoy, bawal nang ipadala sa Kuwait | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga manggagawang Pinoy, bawal nang ipadala sa Kuwait

ABS-CBN News
Published Feb 12, 2018 10:17 PM PHT

Pinagbawal na ng gobyerno nitong Lunes ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Pursuant to that directive of the president, we will be issuing an administrative order, to totally ban deployment of our OFWs to Kuwait... 'Yong ban will cover all," ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon sa administrative order na pinirmahan ni Bello, dahil ito sa serye ng mga pang-aabuso at pagkamatay ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansa sa rehiyon ng Middle East.

Dagdag pa rito ang kaso ni Joanna Demafelis, ang Pinay household service worker na pinatay at natagpuan sa isang freezer kamakailan.

Nasa higit 300 OFW umano ang nakabalik na sa bansa nitong Lunes habang may 2,500 Pinoy pa sa Kuwait ang naghahanda para makauwi.

Bumuo rin ng tatlong task force ang DOLE.

Ang isa rito ay tututok sa voluntary repatriation o kusang-loob na pag-uwi, habang isa naman ang pupuntang Middle East para tingnan ang kalagayan ng mga Pinoy sa rehiyon at magsagawa ng job fair.

Ang ikatlong task force ay manghihikayat sa mga OFW sa Middle East na mag-apply sa mga trabaho sa Pilipinas.

Pinag-aaralan din ng DOLE ang mga alternatibong bansa kung saan maaaring ipadala ang mga umuwing OFW, tulad ng Tsina.

Ayon sa Philippine Association of Accredited Agencies to Kuwait (Philaak), umaabot sa 25,000 ang mga Pinoy na ipinapadala sa Kuwait kada taon kaya ganito rin karami ang kailangang hanapan ng bagong oportunidad.

Sinabi naman ni Bello na posible pa ring matanggal ang deployment ban kung pipirma ang Kuwait sa isang memorandum of understanding na magbibigay ng kaligtasan sa mga manggagawang Pinoy.

Bunsod ng deployment ban, nanghihinayang ang ilang Pinoy na nakapag-ayos na ng papeles para magtrabaho sa Kuwait.

Unang sinuspinde ng DOLE ang pagproseso ng employment certificates ng mga pa-Kuwait na OFW.

Biyernes naman nang ipag-utos ni Pangulong Duterte kay Bello ang pagpataw ng deployment ban.
Biyernes naman nang ipag-utos ni Pangulong Duterte kay Bello ang pagpataw ng deployment ban.
ADVERTISEMENT
Balik-Pinas
Kabilang sa higit 300 OFW na dumating sa bansa mula Kuwait nitong Lunes sina Angeline Ecolin at Elisa Gaspar.

Kuwento nila ay agad silang nagboluntaryong umuwi matapos malamang nagbibigay ng amnestiya ang pamahalaan ng Kuwait.

Hindi umano madali ang pinagdaanan nila sa loob ng walong taon.

"Talagang ma-'ano' sila sa pagkain, medyo madamot," ani Gaspar.

"Matrabaho tapos ako lang mag-isa," sabi naman ni Ecolin.
"Matrabaho tapos ako lang mag-isa," sabi naman ni Ecolin.
ADVERTISEMENT
Hindi rin umano mapayapa ang kanilang kalooban dahil wala silang legal na papeles.

Isinama naman ni Linabelle Suquitan sa kaniyang pag-uwi ang tatlong anak mula sa banyagang asawa.

"Mahirap buhay sa Kuwait. Walang papel ang mga bata. Parang wala na silang buhay doon kasi magtatago," ani Suquitan.

Pero pinakakalaban umano ng mga OFW ang lungkot na hindi makapiling ang kanilang mga pamilya.

"Pinipigilan mo, pinapakita mong masaya ka," anang OFW na si Jovelyn Talatala. "Tuwing Pasko 'di namin nakakasama mga anak namin."

Sa kabila nito, may ilang OFW pa rin ang nais bumalik sa Kuwait.

"Kasi kailangan namin ng pera," sabi ni Rosalie Navasca.

Para sa mga katulad ni Navasca, may ban man o wala, makikipagsapalaran pa rin umano siya sa ibang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang umaasa sa kaniya.

-- Ulat nina Zen Hernandez at Ernie Manio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
abroad
overseas
OFW
overseas Filipino worker
Kuwait
trabaho
hanapbuhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT