300 Pinoy na pa-Kuwait, inapela ang deployment ban | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
300 Pinoy na pa-Kuwait, inapela ang deployment ban

ABS-CBN News
Published Feb 20, 2018 10:05 PM PHT
|
Updated Sep 05, 2019 03:21 PM PHT

Halos 300 manggagawang Pinoy ang humarap sa mga Labor official nitong Martes para umapela na payagan na silang bumiyahe papuntang Kuwait.

Ito ay matapos magpataw ng gobyerno noong nakaraang linggo ng total deployment ban sa Kuwait dahil sa serye ng mga pang-aabuso at pagkamatay ng mga overseas Filipino worker (OFW) doon.

Mangiyak-ngiyak ang karamihan sa daan-daang manggagawang Pinoy na may nakaabang na trabaho sa Kuwait pero hindi makaalis ng bansa dahil sa ban.

Hindi rin kasi sila pasok sa mga uri ng manggagawang exempted o hindi saklaw ng ban, tulad ng mga 'balik-manggagawa' o mga nakabakasyong OFW at mga seafarer.

ADVERTISEMENT
Lahat sila ay mga skilled, semi-skilled, at professional worker tulad ng mga enhinyero, trabahador ng oil refinery, opisina, hotel, at salon.

Karamihan din ay mga direct hire at mayroon nang working visa.

Iginiit ng mga ito na hindi sila household service workers kaya tiyak na maayos ang kanilang employer.

"'Yong ipon ho namin nawawala ... halos mangutang na lang kami ... sana naman huwag niyo na paabutin next month ('yong ban), i-exempt niyo na kami ngayon," sabi ng isang lalaking manggagawa.

Tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutulungan nila ang mga apektado sa total deployment ban, tulad ng mga napaso na ang visa.

Pero problema ng ibang manggagawa ay tanggal na sila sa trabaho kahit i-renew ang visa.

Isa rito si Kaye Diaz, na pumasa sa U.S. Army na naka-istasyon sa Kuwait.

"Depressed na po kami, worried na worried na, na sana payagan niyo na kami umalis," sabi ni Diaz.

Kalihim sana sa isang kompanya si Nona Lacson.

"More than hundred thousand ang sinasahod ko, tapos ganoon na lang?" daing naman ni Lacson.
"More than hundred thousand ang sinasahod ko, tapos ganoon na lang?" daing naman ni Lacson.
ADVERTISEMENT
Hirap namang makakuha ng trabaho sa ibang bansa si Michael Fronda na tauhan sa isang airline company sa Kuwait.

"The moment na nag-ban sila, I called POEA (Philippine Overseas Employment Administration) to have an alternative job and they told me na factory worker sa Korea," kuwento ni Fronda.

"I've been working for seven years in an airline then iyon ang sagot sa 'kin ng POEA, how would I feel?" dagdag ni Fronda.

Kaligtasan
Buwelta naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ay ayaw niya nang isugal ang kaligtasan ng mga manggagawa.

"Sana maintindihan niyo 'yong responsibilidad ko, kahit isa lang sa inyo ang magiging victim ng maltreatment o abuso, cargo de conciencia ko," sabi ni Bello.

Hindi pa rin kasi aniya pinipirmahan ng gobyerno ng Kuwait ang memorandum of understanding (MOU) na nagtitiyak ng seguridad ng mga OFW sa Kuwait.

Kabilang sa mga kondisyon ng Pilipinas sa MOU ay ang pagsunod ng mga Kuwaiti employer sa standard working hours at napagkasunduang sahod.

Ipinagbabawal din sa ilalim ng MOU ang pagpapahiram sa manggagawa sa ibang employer at pagkumpiska ng mga travel document gaya ng visa o passport.

"With the signing of the MOU, we are assured of the safety and security of our workers and this may give the president a reason to lift the ban," ani Bello.

Ayon kay Bello, posibleng maayos ang MOU sa mga unang linggo ng Marso.
Ayon kay Bello, posibleng maayos ang MOU sa mga unang linggo ng Marso.
ADVERTISEMENT
Nitong Martes, higit 600 OFW naman ang pinauwi ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait matapos ang pagbibigay ng amnestiya ng gobyerno ng Kuwait.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
OFW
Kuwait
abroad
overseas
DOLE
Department of Labor and Employment
Kuwait deployment ban
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT