ALAMIN: Nilalaman ng panukalang 'karaoke ban' tuwing gabi | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Nilalaman ng panukalang 'karaoke ban' tuwing gabi

ALAMIN: Nilalaman ng panukalang 'karaoke ban' tuwing gabi

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 16, 2018 05:46 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang panukalang batas ang nakabinbin ngayon sa Kongreso na naglalalayong ipagbawal ang pagkanta sa karaoke o videoke sa mga residential area tuwing gabi.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM nitong Huwebes, hinimay ang ilan sa mga probisyon ng House Bill 1035 o tinaguriang "Nationwide Karaoke Ban."

Ayon kay Atty. Noel del Prado, isa sa saklaw ng panukalang batas ang pagbabawal sa paggamit ng karaoke kung malapit ito sa mga kabahayan sa paligid.

"Kung naririnig mo 'yung nagkakaraoke sa layong 50 feet, ibig sabihin unreasonable na siya at dapat na siyang ipagbawal," paliwanag ng abogado.

ADVERTISEMENT

Mahaharap din aniya sa hanggang 6 na buwang pagkakabilanggo ang lalabag kapag naisabatas ito.

Sa naunang panayam sa DZMM, sinabi ng may-akda ng bill na si Quezon Rep. Angeline Tan na papatawan ng P1,000 multa ang sinumang gagamit ng videoke o anumang amplifying device sa mga kabahayan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, puwede namang maharap sa isa hanggang 30 araw na pagkakakulong at multang P200 ang sinumang gagambala sa kapayapaan sa mga kabahayan, ayon kay Del Prado.

Bukod pa sa mga ito, maaari din aniyang magsampa ng kasong sibil, danyos, at unjust vexation ang isang taong nagagambala dahil sa malakas na tunog ng videoke.

Kuwento ni Del Prado, marami na umanong kaso ng homicide at murder sa Korte Suprema na ang pinagmulan ay asaran sa videoke o karaoke.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.