Videoke ban sa gabi isinulong | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Videoke ban sa gabi isinulong

Videoke ban sa gabi isinulong

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 21, 2020 01:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipagbabawal na ang pagpapatugtog ng videoke tuwing gabi sa mga residential area kung maipapasa ang isang panukalang batas ukol dito, sabi ng isang kongresista ngayong Miyerkoles.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Quezon Rep. Angelina Tan na inihain niya nitong Martes ang House Bill 1035 na layong ipagbawal ang paggamit ng videoke o anumang amplifying device sa mga kabahayan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga.

Sa ilalim aniya ng panukala, kakailanganin din ng mga residente na kumuha ng permiso sa barangay bago gumamit ng videoke kapag umaga.

Bago aprubahan ang videoke permit, kailangan naman ng mga barangay official na inspeksyunin ang bahay ng residente at kung anong mga istraktura ang nasa 50-metrong paligid nito.

ADVERTISEMENT

Malimit pagmulan ng away ang videoke at nakakasama rin sa kalusugan ang noise pollution na dulot nito, giit ni Tan na isa ring doktor at chairperson ng House health committee.

Pag-uusapan pa aniya ng mga mambabatas kung dapat isama sa panukala ang mga commercial areas at kung gaano kalakas ang tugtog ng videoke na papayagan.

Mahaharap sa P1,000 multa ang mga lalabag sa panukala, ayon sa mga inisyal na probisyon nito, dagdag ni Tan.

Una nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na pamahalaan na aksyunan ang mga "pa-morningan" na videoke session.

Nagpatupad siya ng ordinansa ukol rito noong alkalde pa siya ng Davao City.

DZMM, 14 Marso 2018

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.