Biriterang 'ayaw paawat' sa videoke, binaril ng nainis na kapitbahay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biriterang 'ayaw paawat' sa videoke, binaril ng nainis na kapitbahay

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2018 05:13 PM PHT
|
Updated Jan 22, 2020 05:18 PM PHT

Misis, patay nang barilin ng kapitbahay na naingayan umano sa pagbi-videoke ng biktima sa San Jose Del Monte City,Bulacan pic.twitter.com/DfdWrTpJtl
— Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) March 15, 2018

Napatay ang isang babae sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos barilin ng kapitbahay na naingayan umano sa pagkanta ng biktima sa videoke.

Hindi kasi natuwa ang suspek na si Jose Abraham sa pag-iingay ng biktimang si Alicia Quiroz at ng kaniyang mga kaibigan, na noo'y nasa gitna ng inuman at kantahan sa videoke, noong Linggo ng gabi.

Ilang beses umanong nagpabalik-balik ang suspek para pagsabihan ang pangkat nina Quiroz, ani Police Officer 1 Dante De Guzman, pero hindi pa rin tumigil ang grupo sa pagbirit.

Nang muling bumalik ang suspek ay may dala na itong sumpak.

ADVERTISEMENT
Kinalampag niya ito ng tatlong beses at paglabas ng biktima ay bigla itong binaril, ani De Guzman.

Nakatakas ang suspek, na ayon sa mga pulis ay dati nang may reklamo sa barangay.

Naniniwala ang pulisya, ani De Guzman, na may malalim na hugot ang pamamaril at posibleng ang ingay sa videoke lang ang naging mitsa.

May ordinansa ang San Jose Del Monte na hanggang alas-10 lang ng gabi ang paggamit ng videoke pero hindi ito mahigpit na naipapatupad.

Isinusulong din ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na maglilimita sa pagpapatugtog ng videoke tuwing gabi sa mga residential area.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT