Ellen Adarna, may pahaging sa hindi maka-let go? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ellen Adarna, may pahaging sa hindi maka-let go?

Ellen Adarna, may pahaging sa hindi maka-let go?

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 13, 2018 05:24 PM PHT

Clipboard

Tila may pahaging si Ellen Adarna sa mga hindi maka-let go.

Sa kaniyang Instagram stories, nag-upload si Adarna ng maikling bahagi ng pelikulang "Meet Joe Black" na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Anthony Hopkins.

Partikular na kinuhanan ni Adarna ang eksena sa pelikula kung saan tinanong ng karakter ni Hopkins si Pitt: "It's hard to let go isn't it?"

(Mahirap magparaya, hindi ba?)

ADVERTISEMENT

Tumugon sa kaniya ang karakter ni Pitt ng: "Yes, it is, Bill."

Susunod na sasabihin ng karakter ni Hopkins: "Well, that's life."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ini-upload ang IG stories, ilang oras matapos ding mag-post si Angelica Panganiban tungkol sa librong siya ang nagsulat ng foreword o panimulang teksto.

Caption ni Panganiban sa post: "Wala ka bang date ngayong Valentine's Day? Eto na lang kaya pag-tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. 'Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin."

Kamakailan lang, sinabi ni Panganiban sa kaniyang YouTube serye na #AskAngelica na hindi siya pinalitan ng dating karelasyon, sa halip ay may nang-agaw daw sa kaniyang dating nobyo.

Huling naging nobyo ni Panganiban si John Lloyd Cruz na ngayo'y karelasyon ni Adarna.

Usap-usapang engaged na sina Cruz at Adarna at ipinagbubuntis din ni Adarna ang kanilang panganay.

Kung pagbabasehan din ang social media comments ng followers sa posts nilang dalawa, mukhang bumili na sila ng ari-arian sa Palawan.

Nag-comment din ng "New neighbor!" si Adarna sa IG post ni KC Concepcion ukol sa bagong ari-arian ni Concepcion sa Palawan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.