Ellen, ipinasilip ang engagement ring?

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 12:50 AM

Ipinasilip nga ba ni Ellen Adarna ang kaniyang engagement ring mula kay John Lloyd Cruz?

Nitong Miyerkoles, nag-post si Adarna ng video sa kaniyang Instagram Stories kung saan pahapyaw niyang iniangat ang kamay sa selfie video.

Nasulyapan ang 2 singsing na suot ni Adarna, isang may malaking diyamante na mukhang engagement ring at isang hitsurang wedding band naman.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasama ni Adarna si Cruz sa video na tila kuha sa parehong lugar na naka-post sa Instagram ng magkasintahan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maririnig naman si Cruz sa kasunod na Instagram Story na nagsasabing, "Hi, love."

Una nang sinabi ng beteranang kolumnistang si Lolit Solis na binigyan umano ni Cruz ng engagement ring si Adarna na nagkakahalagang P3 milyon.

Nananatili namang tahimik sina Adarna at Cruz hinggil sa mga haka-haka.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.