P2 dagdag-pasahe sa jeep, hinihirit kontra pagmahal ng langis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P2 dagdag-pasahe sa jeep, hinihirit kontra pagmahal ng langis

ABS-CBN News
Published Apr 02, 2018 09:00 PM PHT

Nais ng transport group na United Transport Koalisyon (1Utak) na madagdagan ng P2 ang minimum na pasahe sa jeep bunsod ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.

Ibig sabihin, mula P8, dapat umanong maging P10 ang minimum fare sa jeep para makaagapay ang mga tsuper sa pagmahal ng mga produktong petrolyo.

Kuwarenta porsiyento na rin umano ang iminahal ng diesel mula noong 2016 kaya panahon na para itaas ang minimum fare.

Sa Miyerkoles ihahain ng grupo ang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nangakong didinggin ang lahat ng petisyon sa dagdag-pasahe.

ADVERTISEMENT
"Kailangan dumaan ito sa proseso. There has to be a hearing wherein the commuters group will be given an opportunity para mapakinggan natin ang side nila as well as other interested parties," ani LTFRB board member Aileen Lizada.

Halo-halo naman ang reaksiyon ng mga pasahero.

"Kung para sa ikabubuti ng mga jeepney driver, okay lang po," sabi ng isang pasahero.

"Mataas po masyado," sabi naman ng isa pang pasahero.

"Kahit sabihin mong ayaw namin, ganoon pa rin," sabi ng isa pa.

OIL PRICE HIKE
Nitong Lunes, sa ikalawang sunod na linggo, nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.

Simula Martes, Abril 3, magkakaroon ng dagdag na P1 sa presyo kada litro ng diesel at kerosene habang P0.90 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.

Noong Semana Santa, lagpas P1 rin ang itinaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa datos naman ng gobyerno, simula Enero, higit P5 na ang iminahal ng gasolina, diesel, at kerosene dahil sa import price at excise tax.

Kapag naging de-aircon na ang mga jeepney sa ilalim ng modernization program ng gobyerno, hiwalay na dagdag-singil pa ito, ayon sa 1Utak.

Payo ng LTFRB, pagsamahin sa isang petisyon ang mga isyu ng minimum fare at dagdag-singil sa de-aircon na jeep para parehong maisalang sa pagdinig.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT