City at provincial buses, humirit ng taas-pasahe | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
City at provincial buses, humirit ng taas-pasahe

ABS-CBN News
Published Feb 13, 2018 04:19 PM PHT
|
Updated Aug 21, 2019 09:07 AM PHT

Naghain ng petisyon ang mga city at provincial bus operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes para taasan ang singil sa pasahe.

READ: Metro and provincial bus operators seek fare increase. P3.30 for 1st 5km of metro ordinary buses & P3.95 for metro aircon. Provincial ordinary bus P2.95 for 1st 5km & as much as P0.75 for its aircon buses. pic.twitter.com/VRj9PhT6Fg
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) February 13, 2018

Humiling ang mga grupong Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, at Samahang Transport Operators ng Pilipinas Inc. ng taas-pasahe dahil anila sa mas mataas na toll at pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng reporma sa buwis.

Para sa mga ordinaryong bus sa Metro Manila, nais ng mga operator na itaas ang minimum fare sa P13.30 mula sa kasalukuyang P10, at karagdagang P2.45 sa bawat sunod na kilometro mula sa P1.85.

Nasa P15.95 naman ang panukalang minimum fare para sa mga air-conditioned bus sa Metro Manila, mula sa kasalukuyang P12, habang P2.95 ang panukalang dagdag sa bawat sunod na kilometro.

Nais naman ng mga operator ng mga ordinaryong provincial bus na itaas sa P11.95 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P9, at may karagdagang P1.85 sa bawat sunod na kilometro mula sa P1.40.

Humiling naman ang mga air-conditioned bus sa mga lalawigan ng dagdag na P2.15 kada kilometro mula sa umiiral na P1.60 kada kilometro.

Isang dekada na ang nakalilipas nang magkaroon ng taas-pasahe ang mga bus.

Una nang humirit ng taas-pasahe ang grupo ng mga driver at operator ng jeepney, taxi, at UV express.

Nangako naman ang LTFRB na idadaan sa pagdinig ang lahat ng petisyong humihingi ng taas-pasahe.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
bus
bus operator
city bus
provincial bus
pasahe
pasahero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT