Matapos ang jeep at taxi, UV Express humirit ng doble taas-pasahe | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos ang jeep at taxi, UV Express humirit ng doble taas-pasahe

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2018 09:38 PM PHT
|
Updated Jul 09, 2019 03:02 PM PHT

Humiling ngayong Miyerkoles ng dagdag-pasahe ang mga UV Express operator dahil sa pagmahal ng mga gastusin sa pangangasiwa ng pampasaherong sasakyan.

Ayon sa Code X, isang grupo ng mga UV Express operators, dapat nang doblehin ang P2 kada kilometrong pasahe dahil umano sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, spare parts at terminal fee sa mga mall.

"Dumating na po ang sukdulang pagtitiis kaya kami ay napilitang mag-file ng fare hike," sabi ni Lino Marable, pangulo ng Code X.

Kapag naaprubahan ang petisyon, halimbawa, ang biyaheng Novaliches-Cubao na dati'y P30 ay magiging P70 na ang pasahe.

Maaari naman tumaas sa P120 ang pamasahe ng biyaheng Antipolo-Ayala mula sa kasalukuyang P60.

Naging epektibo ang mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo, na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, noong Enero 1.

Isinama rin ng mga UV Express operator sa petisyong inihain nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghingi ng umano'y payola ng ilang traffic enforcers.

Noong nakaraang taon, hiniling din ng mga jeepney operator sa LTFRB ang P2 dagdag pasahe na magtataas ng base fare ng jeep sa P10 mula sa kasalukuyang P8.

"Talagang luging-lugi na kami kasi kung ibigay man 'yong P2 hindi lumalabas 'yon na karagdagan ng aming kita, kundi 'yon ay pantakip lang sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis," sabi ni Efren de Luna, pangulo ng transport group na ACTO.

Para sa mga pasahero na sumasakay sa iba-ibang pampublikong transportasyon kada araw, hindi biro ang hiling na taas-singil ng mga tsuper at operator.

"Yung salary increase hindi naman ganoong sapat," sabi ng isang pasahero.

"Nagpapa-aral pa [ako] ng anak kaya dapat hindi magtaas," daing naman ng isa pang pasahero.

Dininig din ng LTFRB nitong Miyerkoles ang dagdag-pasaheng hiniling ng mga airport taxi operator.

LOOK: Fare hike petition filed by airport taxi operators to increase base fare to P100 from P70 pic.twitter.com/xSr9NF9lhn
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) January 17, 2018

Mula sa P70 base fare at karagdagang P4 kada 350 metro, nais ng mga airport taxi operator ng P100 base fare at P7 kada 360 metro.

Maging ang transport network company na Grab ay humingi ng 5%pagtaas sa singil sa pasahe.

Pag-aaralan pa ng LTFRB ang lahat ng petisyon.

“If you’re requesting for a fare hike, you have to substantiate it. Ano 'yong serbisyong ibabalik ninyo sa mga mananakay?" sabi ni Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB.

Sa susunod na linggo nakatakda ang pagdinig ng LTFRB sa petisyon ng Grab at mga jeepney operator.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT