Hiling ng transport groups: P2 dagdag sa minimum fare, diskuwento sa presyo ng langis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hiling ng transport groups: P2 dagdag sa minimum fare, diskuwento sa presyo ng langis

Hiling ng transport groups: P2 dagdag sa minimum fare, diskuwento sa presyo ng langis

ABS-CBN News

Clipboard

Inihirit ng grupong Pasang Masda at lima pang ibang transport groups ang taas-pasahe sa jeep sa harap ng pataas na pataas na presyo ng gasolina.

Kung papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang hiling, mula P8 hanggang P10 ang magiging bagong minimum na pasahe.

Samantala, tutol naman ang grupong Piston sa dagdag-pasahe at sa halip ay hiniling ang P5 kada litrong diskuwento sa presyo ng krudo o di kaya’y suspensiyon ng Value Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay George San Mateo, national president ng Piston, maaaring utusan ang mga kompanya ng petrolyo na magpatupad ng P5 discount para sa lahat ng mga drayber ng jeep.

ADVERTISEMENT

Giit din ni San Mateo, kung hindi lulusot ang P5 discount, maaari umanong suspendehin ang pagbabayad ng VAT sa mga produktong petrolyo habang mataas pa ang pandaigdigang presyo nito.

Hindi rin dapat pang ipasa sa mga konsyumer ang dagdag-singil sa petrolyo sa halip ay ipasa na lamang ito sa mga kompanya, dagdag niya.

Dalawang araw na tigil-pasada naman ang gagawin ng grupong Stop and Go sa susunod na linggo bilang protesta sa jeepney modernization.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.