2-araw na jeepney strike, kasado na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2-araw na jeepney strike, kasado na
2-araw na jeepney strike, kasado na
ABS-CBN News
Published Sep 18, 2017 03:34 PM PHT

MANILA - Nagbanta ang Stop and Go transport coalition Lunes na 2 araw na hindi papasada ang kanilang mga jeepney driver sa susunod na linggo.

Sa isang press conference, sinabi ni Stop and Go president Jun Magno na nakatakda ang kanilang tigil-pasada sa Lunes at Martes, Setyembre 25 at 26, upang muling kondenahin ang phase out ng mga jeep sa 2018.

Hindi aniya nila kayang magbayad para sa mga makabagong jeep na nagkakahalaga ng P1.6 milyon kahit pa gawing hulugan. Dahil dito, posibleng aniyang ma-repossess o mabatak ang mga bagong unit.

Nasa 74,000 jeepneys ang pumapasada sa Metro Manila at target ng Stop and Go na isama sa tigil-pasada ang karamihan ng mga driver at operator.

Tiniyak naman ni Magno na hindi sila manghaharang ng mga jeep na hindi makikiisa sa protesta.

Nitong Pebrero 6, nagsagawa rin ng tigil-pasada ang Stop and Go.
Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News