PatrolPH

Online booking, vaccination card kailangan na bago makapasok sa Dolomite Beach

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2021 09:03 AM | Updated as of Dec 29 2021 12:45 AM

Watch more on iWantTFC

Muling binuksan sa publiko ngayong Martes ang Manila Baywalk Dolomite Beach, habang marami pa ang naka-bakasyon ngayong holiday season.

Pero hindi na tulad ng dati na pwedeng pumasok basta-basta ang mga gustong mamasyal, dahil kailangan nang kumuha ng online appointment ang mga balak pumunta rito. 

May QR code na pwedeng iscan at lalabas na ang booking page na magsisilbi na ring contract tracing. 

Makatatanggap sila ng email confirmation para sa kanilang schedule, dahil mabibigyan lang sila ng 1 oras para manatili sa baybayin.

Kapag tapos na ang 1 oras, iaanunsyo ito at palalabasin na ang lahat sa hiwalay na designated exit.

Nasa 300 bisita lang ang pwede kada schedule para makontrol ang publiko. 

Kaya naman hindi pa masyadong marami ang bisita sa oras na ito kumpara noong una itong binuksan na dagsa ang mga tao at hindi na naipatupad ang physical distancing.

Bawal din ang 11 years old o masbata dahil hindi pa sila bakunado kontra-COVID-19.

Pinapayagan naman ang walk-in kung hindi nakapag-book basta bakunado.

Pwede pang mamasyal dito hanggang Miyerkoles bago muli itong isara sa December 30.

Sa Enero naman na ulit bubuksan ang dolomite beach pagkatapos ng holiday season.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.