Dolomite Beach patuloy na pinapasyalan kahit sarado sa publiko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dolomite Beach patuloy na pinapasyalan kahit sarado sa publiko

ABS-CBN News
Published Nov 17, 2021 09:35 AM PHT
|
Updated Nov 17, 2021 09:50 AM PHT

MAYNILA - Nananatiling sarado ang Dolomite Beach sa Roxas Boulevard sa Maynila dahil hindi pa tapos ang mga rehabilitation work sa lugar.

Marami pa ring nagbabantay dahil may mga nagpupunta pa rin sa lugar at nagbabaka-sakaling makapasok sa loob at kumuha ng mga litrato.

May mga namamasyal sa baywalk pero hindi sila pinapasok sa mismong beach area. May nakapwesto namang mga tauhan ng pulisya at Metropolitan Manila Development Authority para matiyak na maging maayos ang sitwasyon.

Maraming tao na ang inaasahang lalabas kasabay ng pagluluwag ng travel restrictions.
Maraming tao na ang inaasahang lalabas kasabay ng pagluluwag ng travel restrictions.
ADVERTISEMENT
Samantala, naghigpit naman ang MMDA sa lugar laban sa pagkakalat.

Ang mahuhuling nagkakalat ay pagmumultahin ng P500 o walong oras na community service. Pati pag-ihi at pagdumi sa pampublikong lugar at maging pagkakabit ng ilegal na karatula ay may multa rin.

- TeleRadyo 17 Nobyembre 2021
Read More:
Dolomite Beach
Roxas Boulevard
Pasyalan sa Maynila
Dolomite Beach Rehabilitation Works
COVID 19
Coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT