TINGNAN: Tore ng simbahan sa Abra gumuho sa lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Tore ng simbahan sa Abra gumuho sa lindol

ABS-CBN News
Published Oct 26, 2022 09:14 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Gumuho ang bahagi ng isang simbahan sa La Paz, Abra matapos yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang lalawigan Martes ng gabi.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Capt. Ron Eslabra, officer-in-charge ng istasyon ng Philippine National Police sa La Paz, na gumuho ang tore ng Iglesia Filipina Independiente sa kanilang lugar.

“At nagkalat po ang mga bitak-bitak pong bato sa paligid ng simbahan. Nagtamo rin po ang simbahan ng malalaking pagbitak sa loob,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa opisyal, may mga bitak-bitak din at batong nahulog sa loob ng isa pang simbahan malapit sa kanilang munisipyo.

“Bukod po doon ay mga bitak-bitak po sa mga bahay, lalo na po sa aming police station na yung dating bitak po na nangyari nung nakaraang paglindol eh naglakihan po,” kuwento din niya.

Mag-iikot ngayong Miyerkules ang mga municipal engineer para suriin ang kaligtasan ng mga bahay na apektado ng lindol, ani Eslabra.

Passable o maaari pang madaanan ang lahat ng kalsada sa bayan.

Umabot sa Intensity VI ang tindi ng pagyanig dulot ng lindol sa bayan ng La Paz.

Samantala, sa bayan naman ng Tineg, nag-iikot pa ang mga opisyal sa bawat barangay para tingnan ang naging pinsala ng naging lindol.

Ayon sa kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Officer na si Johnuel Loquio, walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa kanilang lugar.

“Walang reported o namonitor namin na nasugatan na kababayan namin,” aniya.

Pinayuhan naman ni Loquio ang kanilang mga kababayan na huwag munang lumabas ng bahay para makaiwas sa sakuna.

“Ang advice na lang naman e yung kababayan namin, i-refrain muna ang pagta-travel kasi may inaasahan pong mga aftershock nito, tapos yung mga pagguho ng mga kalsada o mga bundok namin dito,” aniya.

--TeleRadyo, 26 Oktubre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT