Mga Pilipinong uuwi mula Gaza, naghihintay makatawid sa Egypt | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pilipinong uuwi mula Gaza, naghihintay makatawid sa Egypt

Mga Pilipinong uuwi mula Gaza, naghihintay makatawid sa Egypt

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakahanda na ang mga Pilipino sa Gaza na lumikas at naghihintay na lamang makatawid papuntang Egypt, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega.

"Handa ang pamahalaan. Mayroon tayong mga nirentang bus, sa crossing, na 150 ang kasya," sabi ni De Vega sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

"Palagi kaming nakakarinig, any day now, baka magkaroon ng 24 hours na opening para lumusot 'yung mga foreigners," dagdag niya.

Al-Rimal district sa Gaza matapos ang mga airstrike ng Israel laban sa Hamas, Oktubre 10, 2023. Mahmud Hams, AFP
Al-Rimal district sa Gaza matapos ang mga airstrike ng Israel laban sa Hamas, Oktubre 10, 2023. Mahmud Hams, AFP

Ayon pa kay De Vega, nasa maayos na kalagayan na ang 131 na Filipinong nasa Gaza. Karamihan umano sa mga ito may mga asawang Palestinian, kaya maaaring madagdagan o mabawasan ang bilang ng mga Filipino na magpapa-repatriate sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Nauna nang iniutos ng Department of Foreign Affairs ang mandatory repatriation ng mga Pilipino sa Gaza na nasa ilalim ng Alert Level 4 dahil sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.