Binatilyo patay sa pamamaril sa burol sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binatilyo patay sa pamamaril sa burol sa Caloocan

Binatilyo patay sa pamamaril sa burol sa Caloocan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Isang 18-anyos na lalaki ang nasawi sa pamamaril sa isang burol sa Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa morgue na inabutan ni Malou Ramos ang bangkay ng kaniyang anak na si Jecjec, matapos ito mabaril sa Bagong Barrio, Caloocan, alas-3 ng madaling araw.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy. 153, makikitang naglalakad ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt, sa direksyon ng isang puting tolda kung saang may burol na nagaganap.

Maya-maya pa, nagsitakbuhan na ang mga tao, habang may isang lalaki ang humandusay sa kalsada.

ADVERTISEMENT

Isang tama ng bala sa dibdib ang kumitil sa buhay ni Jecjec.

Ayon sa nakakita mismo sa krimen, minamanan muna ng dalawang lalaking suspek ang burol bago namaril sa lugar.

Hinala ng kaanak ng biktima, alitan sa rap battle ang ugat ng krimen.

"Hindi ko inaasahan na dati parang napapanood ko lang sa balita, hindi ko inaasahan na mangyayari pala sa amin iyon. Sobrang sakit ng ginawa niyo sa amin, parang hayop niyo po pinatay ang anak ko. Hindi po kami titigil hangga't hindi namin nakakamit 'yung hustisya sa ginawa niyo sa anak ko," ani Ramos.

Tinutugis na umano ng mga pulis ang dalawang salarin.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.