Principal patay sa pamamaril sa kaniyang bahay sa Albay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Principal patay sa pamamaril sa kaniyang bahay sa Albay

ABS-CBN News
Published Oct 12, 2022 11:43 PM PHT

Isang principal ang patay matapos mabaril sa loob ng kaniyang bahay sa Polangui, Albay nitong Miyerkoles.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 3 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Napoville Subdivision sa Brgy. Napo.

Kinilala ang biktima na si Beverly Ubante Cabaltera, 53, principal sa Pioduran National High School.

Ayon sa pamilya, nakarinig raw sila ang putok ng baril na sinundan ng kalabog mula sa kwarto ng biktima. Nang tingnan nila ang kwarto ay nakitang nakahandusay sa sahig ang biktima malapit sa bintana. Narinig din daw ng isang kapitbahay ang putok ng baril sa labas ng bahay.

ADVERTISEMENT
Agad na itinakbo sa Polangui RHU ang biktima na may tama ng baril sa leeg pero idineklara siyang dead-on-arrival.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

Kinondena naman ng Department of Education Bicol ang nangyaring insidente at nanawagan sa pulisya para sa agaran at masusing imbestigayon upang mabigyan hustisya ang pagkamatay ng biktima.—Ulat ni Aireen Perol