Pulis na sangkot umano sa pangingikil tiklo sa San Mateo, Rizal | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na sangkot umano sa pangingikil tiklo sa San Mateo, Rizal

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 06:52 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos inaresto sa ikinasang operasyon ng PNP integrity monitoring and enforcement group sa loob ng San Mateo Municipal Police Station sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Police Brig. Gen. Flynn Dongbo, direktor ng PNP-IMEG, may ranggong staff sergeant ang lalaking pulis na sangkot umano sa pangingikil sa asawa ng isa sa mga nakulong sa nasabing stasyon.

Sa salaysay ng biktima, nagpapabayad umano ng hindi bababa sa P1,000 ang suspek para ilabas ang dokumentro na kailangan nila ng kaniyang nakadetinang asawa tulad ng certificate of detention.

Doon nagsagawa ng entrapment operation kung saan inaresto ang suspek matapos magkaroon ng palitan ng pera sa biktima.

ADVERTISEMENT
Kasalukuyang nakadetina sa Camp Crame ang suspek na mahaharap sa kasong robbery extortion at kasong administratibo.

Panawagan ng mga awtoridad, huwag mag-atubiling tumawag sa kanilang mga hotline sakaling mabiktima ng pangingikil o anumang ilegal na gawain ng sinumang miyembro ng pulisya.