Pulis timbog sa umano'y pangingikil sa isang aplikante ng PNP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis timbog sa umano'y pangingikil sa isang aplikante ng PNP

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jul 28, 2021 06:00 AM PHT
|
Updated Jul 28, 2021 06:28 AM PHT

MAYNILA—Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos malambat sa isang entrapment operation ng Philippine National Police integrity and monitoring group sa isang kainan sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City Martes.

Ayon kay Police Brig. Gen. Flynn Dognbo, direktor ng PNP-IMEG, may ranggong Police Master Sergeant ang lalaking suspek at nakatalaga sa PNP crime laboratory group.

Isinagawa ang entrapment matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa ginagawang pangingikil umano sa isang aplikante ng PNP.

Tutulungan umano ng suspek ang biktima na malagay ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga pumasang aplikante, kapalit ang P6,000. Sa darating na Biyernes na kasi ang oath-taking ng mga bagong recruit na mga pulis.

Pumayag makipagkita ang biktima at nang magpositibo na ang transaksyon ay dun na hinuli ng mga awtoridad ang suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong robbery extortion, paglabag sa Republic Act 6713 at Republic Act 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon naman kay PNP Chief Guillermo Eleazar, pinaiimbestigahan na niya ang insidente upang masigurong hindi mababahiran ng anuman katiwalian ang proseso ng recruitment ng PNP.